Lovi oh! Rocco nahuling nakikipag-usap sa ex na si Sheena

Tinukso si Rocco Nacino nang makita ng repor­ter na nag-uusap sila ng ex niyang si Sheena Halili. Sabi ng aktor, nagkasalubong sila sa GMA Network at nagbatian dahil friends naman daw sila matapos ng ilang buwang dedmahan after their break-up.

Open si Rocco na makatrabaho si Sheena kung bibigyan sila ng project together, ayos na raw sila at may closure na. Hindi rin naman siguro magagalit si Lovi Poe kung magsasama sina Rocco at Sheena.

Mag-EX na Kylie at Aljur nagkopyahan ng picture

Parehong pinost ng mag-ex na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang cover ng kanilang respective albums at parang pareho pa ang kanilang pose sa album cover. Pati nga color motif ng album, halos pareho at kundi kami nagkakamali, very much on pa ang dalawa nang simulan nilang i-record ang kanilang albums.

Seasons ang title ng album ni Kylie under GMA Records at ang first single nitong Gitara ay ilu-launch sa Sunday All Stars bukas. Available na sa digital form ang album sa iTunes starting today.

Ilu-launch din yata sa Sunday ang music video ng single ni Kylie directed by Raymund Isaac. Nabanggit ni Kylie na may song siyang isinulat para kay Aljur sa kanyang album, siguro naman, kasama pa rin sa eight-track ang song niya para sa ex-BF.

Samantala, ang title-track na Nanghihinayang ang title ng second album ni Aljur na original ng Jeremiah. Ibinalita nitong available na sa spinner ang song, pero hindi sinabi kung kailan ang release ng CD.

Tom rarampa muna sa NY

Aalis this Saturday si Tom Rodriguez para sa GMA Pinoy TV event sa New York.

Bago umalis, nag-first day taping muna siya kahapon ng soap nila ni Carla Abellana na Kunin mo na ang Lahat sa Akin at ipagpapatuloy ang taping pagbalik niya.

Hindi na si Laurice Guillen, kundi si Bb. Joyce Ber­­nal na ang director ng na­­sa­bing soap na kapalit ng Kambal Sirena. Malaki ang cast nito na kinabibilangan nina Lorna Tolentino, Sid Lucero, Rhian Ramos, Al Tantay, Ruru Madrid, at Kuh Ledesma.

Gab susubok uling mag-TV

Kabilang si Gab de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong sa bagong GMA Artist Center talent. Actually, in-introduced na siya rati sa Teen Gen, nang matapos ang show, nawala siya at dahil ito sa nag-theater siya for one year.

Tinapos din nito ang kurso niyang Photography sa College of Saint Benilde at ngayong nag-gra­duate na at may experience na sa theater, binalikan ang TV.

Ang maganda sa kanya, hindi siya pressured na lumebel sa popularity ng parents niya. Sina Lorna Tolentino at Gina Alajar ang gusto niyang maka­sama kung magkaka-project dahil alam niyang marami siyang matututunan sa dalawa.

Niño bibisita sa Pangasinan

Sa mga taga-Urdaneta City, Pangasinan, aba­ngan ninyo ang teen stars cast ng Niño, 3:00 p.m. today sa Activity Area ng Magic Mall. Magpi-perform sina Miguel Tanfelix, Renz Valerio, Julian Trono, at Bian­ca Umali.

Kasama na rin ang pagpo-promote ng apat sa ins­pirational series na napapanood Monday to Friday sa direction ni Maryo J. delos Reyes.

Show comments