Billy at Coleen hindi kayang aminin ang relasyon?

Hangang ngayon pala ‘di pa napasasagot si Billy Crawford ni Coleen Garcia. Ano ba anak, parang humina ka sa panliligaw, hah?! Totoo ba ito?

Parang hindi kapani-paniwala.

Bakit parang iba naman ang nakakarating na balita sa akin?

Naku ha, masamang magsinungaling. Aminin na ninyo kung may dapat kayong aminin.

Borgy mas gustong magpayaman

Negosyo pala ang pinagtutuunan ng pansin ng apo ni dating presidente Ferdinand Marcos na si Borgy Manotoc, anak ni Gov. Imee Marcos. Hindi nakuha nang guwapong modelo ang hilig ng kanyang pamilya sa pulitika.

Kunsabagay, aktibo pa naman ang magkakapatid na Marcos sa politics kaya naman okay na ang anak nila ay iba ang pinagtutuunan ng pansin at mukha namang matagumpay sila sa kung anumang trabaho ang meron sila ngayon. Gaya ni Borgy.

Wally may kailangang ipaliwanag

Dapat sigurong ilagay sa ayos ni Wally Bayola ang kanyang love life o ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa, kung totoo man ito. Para hindi siya mapintasan ng publiko.

Kapapatawad lang nila sa kanya dahilan sa napaka-kontrobersyal niyang sex video. Tapos ngayon maugong ang balitang ongoing pa rin ang affair nila ng ka-partner niya sa nasabing video.

Maganda ito sa reputasyon ng girl, pero dapat ‘yung paghihiwalay nila ng misis niya ay desisyon nila pareho at hindi ni Wally lamang.

Show comments