^

PSN Showbiz

Ipaglaban Mo… mas nakakawindang ang mga kuwento

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibang klase ang teaser ng anim na unang episode ng nagbabalik na legal drama program na Ipaglaban Mo sa ABS-CBN na ipinapanood kahapon bago naganap ang presscon.

Yup, you read it right. Magbabalik sa ere ang batikang abogado na si Atty. Jose Sison, and this time kasangga ang anak niyang si Jopet Sison, para imulat ang mga Pilipino tungkol sa kanilang karapatan at obligasyon pagdating sa batas. Magsisimula ito sa Saba­do (Hunyo 7) pagkatapos ng Showtime.

“Maraming mamamayan ang matutulungan natin. Ngayon ang dami nang nangyayaring patayan, ang daming crimes. Makakatulong ito para maayos ang lipunan,” pahayag ni Atty. Jose Sison na nagpapasalamat at nakabalik sila sa Kapamilya Network.

Siya rin ang may idea na ibalik ang programa at mahaba ang naging process at marami ang naging pagme-meeting nila bago natuloy at naayos ang programa na iba’t ibang director ang hahawak at iba-iba rin ang magiging writer though meron silang tatayong head writer.

Isa ang Ipaglaban Mo sa mga top rating at talaga namang pina­kasinubaybayang programa noong dekada 90. Isa rin ito sa mga programang umere ng mahabang taon at dalawang beses pang ginawan ng pelikula.

Bukod sa kapaki-pakinabang na mga aral at payong legal, minahal din ng mga Pilipino ang  Ipaglaban Mo dahil sa pagsasadula nito sa mga kwentong hango sa tunay na buhay. Naging popular din sa mga Pinoy ang slogan nitong Kapag may katwiran... ipag­laban mo!

Huling napanood ang Ipaglaban Mo sa ABS-CBN noong 1998.

Dahil sa tagumpay ng programa, very positive si Atty. Sison na muling yayakapin ng mga manonood ang pagbabalik nito. “Sana ay tangkilikin muli ito ng ating mga kababayan upang mas marami pa ang matuto at mamulat sa kanilang karapatan,” sabi niya.

Bawat kwentong mapapanood tuwing Sabado ay sumailalim sa mapanuring mata ng ilan sa mga kilalang direktor ngayon. Ilan lamang sa kanila sina Cong. Lino Cayetano (na nahihirapan nang umalis ng bahay dahil sa kanilang baby boy ng asawang si Fille Cainglet), Eric Quizon (na balik-Kapamilya), Ricky Rivero, Rechie del Carmen, Erik Salud, at si Manny Palo na siyang nag-direhe ng pilot episode nito sa Sabado (Hunyo 7).

Sa unang episode nito na pinamagatang Hindi Ko Sinasadya Yaya ay tatalakayin nito ang karapatan ng mga bata at ang tamang edad kung kailan sila may pananagutan sa batas.

Ang kuwento kasi pinaglalaruan ng bata ang baril ng kanyang ama at nang kinukuha na ng kanyang yaya,  pumutok.

Tampok sa kwento ang isang pitong-taong-gulang na paslit na si RJ (Izzy Canillo) na aksidenteng nabaril at napatay ang kasambahay nilang si Yaya Miling (Shamaine Buencamino).

Ipaglalaban ng nag-iisang anak ni  Yaya Miling na si Micmic (Michelle Vito) ang pagkamatay ng ina. Ngunit paano makakamit ni Micmic ang hinahangad na hustisya para sa ina kung menor de edad ang akusado at aksidente lamang ang krimen? Sino ang nararapat managot sa trahedya?

Bahagi rin ng naturang episode sina La­ra Quigaman, James Blanco, at Dionne Monsanto.

Isa pang tiyak na tututukan na episode nila ay ang tungkol sa karapatan ng babae na hindi sinipot sa kanilang kasal ng kanyang mapapangasawa.

Base sa ipinalabas na capsule sa presscon, ikakasal na ang dalawa – Melissa Ricks and Matt Evans– sa simbahan pero hindi sumipot ang lalaki.

In fairness puwede palang kasuhan si Lalaki.

Sa rami nang mga nangyayaring krimen sa paligid natin, harina­wa’y malaki ang maitulong nila sa mga naiisahan sa batas.

Tambalang Tinola patok

May bagong loveteam na kinaaliwan ang mga manonood tuwing hapon at ito ay ang tambalan nina Tilda (Beauty Gonzalez) at Nolan (Franco Daza) na siyang naghahatid ng kwela at nakakakili­ting mge eksena sa hit seryeng Moon of Desire.

Bentang-benta ang mala-aso’t pusang relasyon nina Tilda at Nolan lalo na sa netizens na siyang bu­mansag sa kanilang love team bilang tambalang TiNola (pinagsamang pangalan nina Tilda at Nolan).

Huling-huli nila ang kiliti ng masa sa kanilang mga pilyo at pil­yang banatan tungkol sa “kimchi” ni Tilda at pagi­ging hindi pa tuli ni Nolan. Naka­dagdag din diyan ang pagi­ging palaban ng dalawa sa pag­papaseksi.

Samantala, ipinakilala na rin sa Moon of Desire kama­ka­ilan ang bagong loveteam nina Devon Seron at Kevin Fowler na tiyak aabangan lalo na ng mga teenager. Ginagampanan ni Devon ang papel na Riri, ang boyish na kapatid ni Jeff (JC De Vera), habang si Kevin naman ay si Runin, ang nerdy at tahimik na pamangkin ni Tilda.

Bago magsimula sa showbiz, unang nakilala si Beauty bilang 4th Big Placer ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Simula noon ay sunod sunod na ang kanyang support roles sa TV, sa mga seryeng tulad ng Angelito Batang Ama at Maria Mercedes, pati na rin sa pelikula. Si Franco naman ay unang ni-launch sa Gimik 2010 at lumabas sa mga serye tulad ng Nasaan Ka Elisa?

Sina Devon at Kevin ay parehong produkto ng PBB. Pagkatapos ng papel bilang Rosario sa Maria Mercedes, muling nagbabalik si Devon na may mas palabang image. Si Kevin naman ay sasabak sa kanyang unang regular role sa isang soap at ngayong mas hunky pa kumpara noong huli siyang makita sa bahay ni Kuya.

IPAGLABAN MO

ISA

JOSE SISON

MARIA MERCEDES

MOON OF DESIRE

NOLAN

SHY

TILDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with