Matutupad ni Marian Rivera ang kanyang pangarap na maka-dance showdown ang tatlong TV dance icons na sina Gov. Vilma Santos, Diamond Star Maricel Soriano, at ang original Tanga Queen na si Alma Moreno sa kanyang sisimulang dance show sa GMA na pinamagatang Marian.
Excited ang nobya ni Dingdong Dantes sa kanyang bagong sisimulang dance show na kakaiba sa mga nauna niyang prograÂma sa GMA. Unknown to many, si Marian ay isang mahusay at graceful danÂcer at ang husay niya sa pagsasayaw ay kanyang ipamamalas sa kanyang Marian show na nakatakdang idirek ni Louie Ignacio.
Carla biglang dumami ang show
Kung si Marian Rivera ang tinaguriang Primetime Queen sa bakuran ng GMA, puweÂde nang tawaging Primetime Princess si Carla Abellana daÂhil pagkatapos ng kanyang hit gay TV series na My Husband’s Lover with Dennis Trillo and Tom RodÂriguez ay balik ang tambalan nila ni Tom sa isang bagong TV drama series na nakatakdang idirek ni Laurice Guillen. May sitcom pang gagawin si Carla opposite Ryan Agoncillo, ang Ismol Family bukod pa sa kanyang pagiging bahagi ng Sunday All Stars.
JC sinundan ang yapak ni Jake
Hinding-hindi makalilimutan ni JC de Vera ang kanyang experience working with Jericho RoÂsales, Angel Locsin, at Maja Salvador and the rest of the cast ng The Legal Wife. Dito bale naiÂpamalas nang husto ni JC ang kanyang pagiÂging aktor dahil napakagagaling ng kanyang mga kasama.
Malapit nang magtapos ang The Legal Wife na madalas pag-usapan ngayon sa mga umpukan at parlors dahil marami umano ang nakaka-relate sa istorya.
Although magtatapos na ang The Legal Wife, meron pang isang seryeng tumatakbo si JC sa ABS-CBN, ang Moon of Desire na napapanood naman tuwing hapon. Nangyari rin ito noon kay Jake Cuenca na dala-dalawa ang tumatakbong serye, isa sa hapon at isa sa gabi.
Imee malabo pang magka-apo kay Borgy
Matagal pa sigurong magkaroon ng apo si IloÂcos Gov. Imee Marcos sa kanyang anak na si Borgy Manotoc na wala pang balak lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling anak.
At 30, hindi pa gusto ng model-businessman na si Borgy na magpakasal sa kanyang nobya of four years na si Georgina Wilson, ex-GF ni RiÂchard Gutierrez at pamangkin ng unang Filipina Miss Universe-turned actress na si Gloria Diaz. Marian handa nang gumiling-giling