Usapang puso sa Love Hotline tuwing Biyernes

MANILA, Philippines - Puso ang tunay na mangunguna sa love advice program na Love Hotline na mapapanood na sa GMA 7 tuwing Biyernes, 4:15 ng hapon, simula May 30.

Tampok sa nagbabalik na love advice program ang mga kuwento ng pag-ibig at kabiguan na tunay namang may hatid na kilig at kirot sa mga Kapuso viewer.

Nagbabalik bilang love counselor at host ng programa ang batikang aktres na si Jean Garcia. Makakasama niya ang ilang mga eksperto sa larangan ng pag-ibig na tatalakay sa mga usapang pag-ibig at relasyon.

Bibida rin ang mga Kapuso star sa mga short romantic re­enactment ng mga nakakikilig na istorya ng pag-ibig. Sa pilot episode ngayong Biyernes, muling magtatambal ang Starstruck Batch 1 finalists na sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo para bigyang-buhay ang love story ng isang letter sender.

Ibahagi ang inyong natatanging kuwento ng pag-ibig. Maaari ring sumali sa online love discussions sa Facebook.

Huwag palampasin ang nakakikilig na mga eksena at masinsinang usapan tungkol sa pag-ibig sa Love Hotline; mapapanood na sa GMA 7 tuwing Biyernes, 4:15 ng hapon, simula May 30.

Show comments