Mga mamamahayag ng ABS-CBN at DZMM, pinarangalan sa Rotary Club of Manila Journalism Awards

MANILA, Philippines - Muling kinilala ng Rotary Club of Manila ang husay ng mga mamamahayag ng ABS-CBN at DZMM sa Journalism Awards nito na ginanap kamakailan.

Pinarangalang Male Broadcast Journalist of the Year for TV ang Red Alert anchor na si Atom Araullo, habang Female Broadcast Journalist of the Year for TV naman ang Salamat Dok at DZMM Radyo Patrol Balita Alas Kwatro anchor na si Bernadette Sembrano.

Iginawad naman ng organisasyon ang parangal na Female Broadcast Journalist of the Year for Radio sa Magandang Gabi Dok! anchor ng DZMM na si Niña Corpuz at ang Male Broadcast Journalist of the Year for Radio sa Dos Por Dos anchor na si Anthony Taberna, na siya ring anchor ng current affairs program na Tapatan ni Tunying sa ABS-CBN.

Inilunsad ang RCM Journalism Awards noong 1966 at isa sa mga pinakauna at pinakaprestihiyosong organisasyon sa bansa na taon-taong kumikilala sa mga bukod-tanging mamamahayag sa print, TV, at radyo.

 

Show comments