MANILA, Philippines - Tutok lang ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) para masaksihan ang mga kaganapan sa 2014 Hair and Make-Up Trends na taunang kumpetisyon sponsored ng Fil-Hair Coop na ginanap sa Metrowalk Tent.
Ang nakatulong ni Mother Ricky Reyes sa paggupit ng cereÂmonial ribbon ay sina TV host-journalist Ms. Korina Sanchez-Roxas at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Sa loob ng buong tao’y nagdaraos ang Fil-Hair ng regional na paligsahan. Ang mga nagwaging hairdresser at cosmetoÂlogist ay dumalo sa Metrowalk Tent upang muling makipagpaligsahan at magwagi ng plake, tropeo, korona, setro at premÂyong cash bilang pinakamahusay sa hair cut and color, evening make up at bridal make-up.
Ang mga hurado’y representative ng mga miyembro ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association tulad ng Japan, Hong Kong, Macau, Sri Lanka, Malaysia, Taiwan, at China.
Ginawaran din ng Fil-Hair ng Dekada Awards ang Ambassador of Fashion na si Renee Salud, International Fashion Awardee Frederick Peralta at ang Prince of Beats na si Amir Sali bilang pagkilala sa naiambag nila sa mundo ng fashion.