Cedric Lee nakakagamit daw ng telepono kahit nakakulong; Claudine pinatay, ABS-CBN ginamit
SEEN: Nabigla ang fans ni Sarah Geronimo nang panoorin nila ang Maybe This Time dahil pumayag siya na magkaroon ng kissing scene kay Coco Martin.
First time ni Sarah na makipaghalikan sa pelikula.
SCENE: Pinilahan kahapon sa mga sinehan ang unang araw ng pagtatanghal ng Maybe This Time, ang first movie team-up nina Coco Martin at Sarah Geronimo.
SEEN : Ang denial ng Malacañang Palace na may kinalaman si P-Noy sa pagpapababa kay ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna.
SCENE: Bininyagan kahapon si Ada, ang anak sa pagkabinata ni Mark Herras. Tinupad ni Mark ang pangako sa kanyang fans na ilalabas niya sa social media ang larawan ng anak niya.
SEEN: Hindi ikinatuwa ni Marian Rivera ang photoshopped picture niya na inilabas ng Bench. Pinalitan ang litrato ng tunay na anyo ng katawan ni Marian na pinagmukhang maskulada sa unang larawan niya bilang endorser ng Bench.
SCENE: Ang unconfirmed report na nakakagamit ng cell phone sa loob ng NBI detention center sina Cedric Lee at Zimmer Raz kaya lalong dapat mag-ingat si Vhong Navarro.
SEEN: Nanahimik si Roxanne Cabanero at ang kampo nito mula nang madakip sina Cedric Lee at Deniece Cornejo.
Si Roxanne ang aspiring beauty queen na nagreklamo na biktima siya ng pang-aabuso ni Vhong.
SCENE: In bad taste ang paninira na pumanaw na si Claudine Barretto at paggamit sa logo ng ABS-CBN.
Dapat matakot ang naninira kay Claudine dahil mabilis bumalik at maningil ang karma.