Melissa expected na ang relasyong Paul Jake at Kaye

‘Saka artista naman tayo, switch-switch, pass-pass’

Kumpirmadong magkasintahan na ngayon sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo. Matatandaang si Melissa Ricks ang huling nakarelasyon ng aktor pero masaya naman daw si Melissa ngayong mayroong bagong kasintahan si Paul Jake.

 â€œMay kutob na akong mangyayari iyan eventually. So ako naman, I just wish them the best. I just wish them happiness. Lahat na lang tayo maging masaya. Ayaw ko nang pahabain, hayaan na lang natin sa ganoon,” nakangiting pahayag ni Melissa.

Para sa aktres ay ayaw na rin niyang panghimasukan ang buhay ng dating kasintahan lalo pa’t may bago na itong karelasyon.

“Ako, ayaw ko nang away. Ayaw ko nang gulo. Parang, can we just live happy lives? Friends naman kami ni Paul Jake. Relasyon na nila ‘yun. I don’t want to comment on that anymore. Kung ano sa kanila, sila na lang tanungin n’yo,” giit ni Melissa.

Naalala rin ng dalaga kapag nagkakasama sila nina Paul Jake at Kaye noon.

“Hindi na ako nagugulat. Lagi kaming magkakasama before kapag mga Sinulog, mga group-group, gimik-gimik. Kaming lahat nina Paul Jake, Guji (Lorenzana) at Beauty (Gonzales). Ganoon talaga ang buhay nowadays. Saka artista naman tayo, switch-switch, pass-pass. Ganyan. Tanggap ko na ‘yun,” kwento ni Melissa.

Julia at Angeline, sinuportahan si Coco at Sarah

Sinuportahan ng mga dating leading ladies ni Coco Martin na sina Julia Montes at Angeline Quinto ang bagong pelikula ng aktor na Maybe This Time. Dumalo sina Julia at Angeline sa red carpet premiere ng pelikula noong Martes. Katambal ni Coco si Sarah Geronimo sa nasabing proyekto at patuloy itong pinipilahan sa mga sinehan ngay on.

 â€œYes naman, sobrang excited ako. Gusto ko sanang kiligin at ma-in love, feeling ko mapi-feel ko ‘yun sa movie na ito, to support Sarah and Coco,” pahayag ni Angeline.

 â€œIto ‘yung napaagang February ng 2015. Deserved naman talaga (ni Coco) kasi talagang maalaga siya so ito ‘yung give back namin sa kanya, to support,” pahayag naman ni Julia.

Malaki ang pasasalamat ni Coco dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng dalawang aktres. “Masaya po ako kasi sabi ko nga po may maganda kaming samahan sa bawat trabaho,” maikling pahayag ni Coco. Samantala, nagpapasalamat din si Ruffa Gutierrez dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama sina Coco at Sarah sa pelikula. “Two young superstars ang kasama ko, sino ang tatanggi? For me, it’s such an honor to be part of this film and napakahusay nilang pareho. I feel like a teenager, it’s a love triangle between me, Coco and Sarah,” nakangiting pahayag ni Ruffa. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                

Show comments