MANILA, Philippines - Bakit kaya parang umurong ang dila ng isang sikat na celebrity? Nahihirapan siyang magsalita at parang pinipilit na lang.
Parang kailangan niyang mag-therapy para bumalik sa dati ang kanyang pananalita.
Sayang ang celebrity na ito dahil magaling at wala namang problema pero nagpakagaga yata sa droga kaya parang umurong na ang dila.
James Reid pinabalik sa GMA matapos tanggihang mag-guest
Nag-storycon na sina James Reid and Nadine Lustre para sa follow up movie nila after ng matagumpay na Diary ng Panget, ang Talk Back and You’re Dead.
Hindi ito ang original material para sa dalawa. Pero naisip ni Boss Vic del Rosario na parang medyo pang mature na ang una nilang napili, kaya pinalitan ng Talk Back and You’re Dead.
Milyun-milyon na rin ang nakabasa nito sa Wattapad tulad sa Diary ng Panget at kinakikiligin din ito ng marami.
“Siyempre po pareho kaming na-i-excite dahil maganda rin ang story nito pero may konting action. Pero sobrang nakakakilig,†sabi ni Nadine na bigÂlang naging in demand nang pumatok sa takilya ang Diary ng Panget.
Malaki rin ang nagawa ng Panget lalo na kay James dahil instant big star siya.
Meron isang show sa GMA 7 na nang nagpo-promote sila ni Nadine ng launching movie nila ay tinanggihan silang mag-guest, pero after ng showing ay pinabalik siya at sila pa ang tumawag na mag-guest na ang actor.
Bet na bet ni Boss Vic ang magka-loveteam kaya tinututukan niya ang direction ng career ng dalawa.
JC nauubos ang time sa trabaho
Wala talaga sa vocabulary ni JC De Vera ang magka-girlfriend. Wala raw siyang panahon kaya sa trabaho muna siya. Kawawa naman daw kasi ang magiging karelasyon niya if ever dahil hindi rin naman niya maasikaso.
At mukhang worth it naman ang pagtitiis ni JC dahil marami siyang oras sa trabaho. Bukod sa dalawa niyang regular serye sa ABS-CBN, last Sunday inilunsad siya bilang male endorser ng watchline ng Tomato na tinawag nilang Tomato Line.
Magaganda ang hitsura ng Tomato Time pero hindi masyadong expensive – P800 to 1,200 – ang presyo at pag bumili ka, meron silang isang taong warranty.
Nag-umpisa lang sila sa dalawang branches – Alabang Town Center at SM Southmall, ngayon meron na silang 30 kioks including Cebu, Davao and soon to open in Naga plus 25 channels sa mga tindahan mismo ng Tomato.
“Happy talaga ako with Tomato Time, kasi very particular ako sa watch. I like wearing watches lalo na sa work,†sabi ng Kapamilya actor na tuhog ang trabaho sa Moon of Desire and Legal Wife.