PIK : Proud si Borgy Manotoc sa mga naipundar niyang negosyo, dahil ito raw talaga ang linya niya bukod sa moÂdeling.
Nung nakaraang launch nga ng LibeÂrate na bagong perfume ng Bench na ini-endorse niya, dinala niya ang mga kaibiÂgang reporter sa bar na pag-aari niya, ang Finders Keepers na katabi lang ng bar na pinag-launch ng Liberate.
Bukod pa riyan, siya rin ang may franchise ng Dr. Marteen na linya ng sapatos.
Aminado ang binatang anak ni Cong. Imee Marcos na hindi talaga niya linya ang pulitika kahit nasa dugo ng pamilya niya ito.
Kaya gusto niyang mag-excel sa career na pinili niya. Hindi pa raw talaga niya masasabi sa ngayon kung makukumbinse ba siyang subukan ang pulitika.
PAK: Sunud-sunod ang mga endorsement ni Marian Rivera na ini-launch nitong mga nakaraang araw.
Ang huling in-endorse niya ay ang Hana shampoo ng Shokubutsu na ini-launch nung kamakalawa lang sa New World Hotel.
Tuwang-tuwa siyang ipinamigay itong Hana sa mga kasamahan niya sa Carmela at na-enjoy naman daw nila.
Balak nga niyang mamigay din nito sa pag-iikot niya sa mga bara-barangay sa Juan for All ng Eat Bulaga.
Pero ang isa sa kakarerin ni Marian ay mamili ng relos para ipamigay sa mga naiikutan niya sa Juan for All.
Nag-enjoy siya nang husto kaya okay lang daw kahit gumastos pa siya, dahil nakikita niyang masaya ang mga tao nabibigyan niya ng tulong lalo na ‘yung pamimigay niyang Puhunan ni Marian.
BOOM: Nakatakdang magharap sina Vhong Navarro at sina Deniece Cornejo, Cedric at Bernice Lee, at si Zimmer Raz sa mediation ng kasong Grave Coercion.
Sa June 2 ito naka-schedule, dahil bahagi ito ng kaso bago ituloy ang pagdinig ng Grave Coercion.
Sisikapin ng mediation officer na pag-ayusin sila para hindi na ituloy ang kaso. Pero obvious namang hindi makipag-areglo si Vhong, kaya hindi lang tiyak kung dadalo si Vhong.
Sa July 18 pa itutuloy ang hearing ng kasong Serious Illegal Detention kaya matagal-tagal pa silang magpapahinga sa pagdalo sa hearing.