TV personality gustong layasan ang asawa’t mga anak, mas pinili ang kabit
Kadiri ang TV personality na binigyan ng chance na makabalik sa TV pagkatapos masangkot sa isang eskandalo.
Cry me a river ang TV personality nang bumalik ito sa show na kinabibilangan niya pero temporary lang ang kanyang drama.
Ang latest, plano ng TV personality na iwanan ang kanyang pamilya at makisama sa other woman niya. Kung anuman ang mangyari sa career ng TV personality, siya na ang may kasalanan dahil binale-wala niya ang second chance na ibinigay ng mga tao na kanyang nilapitan at pinakiusapan.
Wala nang maniniwala sa kanyang pagbabait-baitan sa TV dahil iba ang inaasal niya sa tunay na buhay.
Marian semi-regular lang sa EB
Love ko si Marian Rivera kaya isusulat ko ang bagong endorsement niya, ang Hana shampoo, kahit hindi ako inimbitahan sa press launch na ginanap noong Lunes.
Pati si Mama Salve Asis, hindi invited hitsurang very close sila ni Marian.
Nalaman ko na hindi invited si Mama Salve sa press launch ng Hana nang magkita kami sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na ginanap sa isang restaurant na katapat na katapat ng salon ni Bambbi Fuentes sa Timog Avenue, Quezon City. (Hahaha. Ok lang naman po kahit ‘di ako na-invite. – SVA)
Nakita ko kasi na nakaparada ang black van ni Marian sa harap ng parlor ni Bambbi, meaning, nagpapa-makeup siya at naghahanda para sa presscon ng Hana sa isang five-star hotel sa Makati City.
Hindi ako puwedeng magÂkamali dahil parehong-pareho ang model at kulay ng mga van nina Marian at Richard Gutierrez na naka-park naman sa tapat ng restaurant na across sa parlor ni Bambbi.
Anyway, lalong naging healthy ang buhok ni MaÂrian dahil sa paggamit niya ng Hana shampoo. Semi-regular si Marian sa Eat Bulaga dahil ka-join na siya sa Juan for All, All for Juan segment. Hindi natatakot si Marian na mababad sa araw ang kanyang buhok dahil protected ito ng Hana shampoo.
Annabelle boss na boss ang dating
Mabuti na lang, subscriber ako ng Sky Cable kaya mapapanood ko sa Linggo, June 1, ang pilot episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang rÂeality show ng Gutierrez family sa E!
Excited ako na mapanood ang It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil intrigang-intriga ako sa mga pasabog na sinasabi ng magkapatid na Ruffa at Raymond.
Nakatutok sa Gutierrez family ng 24/7 ang mga camera kaya wala talagang puwedeng ilihim sa televiewers. Sa ayaw at sa gusto nila, malalaman ng publiko ang kanilang mga sikreto at ang mga nangyayari sa loob ng bahay ng pamilya.
Si Annabelle Rama ang The Boss at si Eddie Gutierrez ang The Legend sa It Takes Gutz to be a Gutierrez bilang siya ang nagbigay daan para makapasok sa showbiz ang mga anak nila ni Annabelle, pati na ang kanyang mga anak na sina Tonton Gutierrez at Ramon Christopher.
Idol na idol ni Tonton si Eddie. Kapag nagkakausap kami ni Tonton, ang tatay niya ang kanyang bukambibig. Puro sabi ni Daddy ang sinasabi ni Tonton.
Iginagalang si Eddie sa industriya dahil mabait siya, mahusay makisama at hindi natin nababalitaan na nasaÂsangkot sa mga eskandalo.
Makikita sa mga eksena sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ang traits ni Eddie na hinahangaan, kaya mataas ang respeto sa kanya ng lahat. Kapag si Eddie na ang nagsalita, tahimik na ang beauty ni Annabelle.
- Latest