Sarah at Coco kakaiba ang kilig

Showing na ngayong araw ang kauna-unahang tambalan nina Sarah Geronimo at Coco Martin sa pelikula, ang Maybe This Time, na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Tiyak pipilahan ito dahil sa story at may kakaibang kilig ang dalawa sa kanilang mga eksena. Idagdag mo pa si Ruffa Gutierrez na hindi naman ganun kasama ang ginawa sa dalawa, pero maiirita ka sa kanya.

Ibang level din ang acting ni Sarah, aktres na aktres siya ha. At original ang akting niya. Hindi kopya.

Sina Toni Gonzaga at Kim Chiu kasi nagkakahawig na ang akting.

Ang bongga pa sa pop superstar, ang ganda-ganda niya. Walang pinipiling anggulo. Refreshing ang hitsura at parang naka-relate siya sa character.

Ganundin si Coco, na ang amo talaga ng mukha at sumakto ang role sa kanya. Actually, parang hindi rin nalalayo sa buhay ni Coco ang character niya sa Maybe This Time.

Basta panoorin ninyo. Aliw-aliwan ang pelikula at nakangiti kang lalabas sa sinehan.

Showing ang movie na dinirek ni Jerry Lopez Sineneng sa more than 150 theaters nationwide under Star Cinema and Viva Films.

Maricel akting na akting dahil sa malaking talent fee

Aminado si Ms. Maricel Soriano na ginawa niya ang lahat sa seryeng eere sa GMA 7, Ang Dalawang Mrs. Real. Mai-in love siya sa mas bata sa kanya, kay Dingdong Dantes na nag-asawa rin ng iba (Lovi Poe).

Pero hindi naman daw siya nahirapan dahil bayad naman siya.  Pero ayaw naman niyang ibuko kung gaano kalaki ang talent fee niya.

Basta raw masaya siya at balik-primetime siya sa GMA 7.

Naudlot ang unang pagbabalik ni Marya sa ABS-CBN noon dahil sa naging isyu sa kanila ni Gerald Anderson.

Show comments