Guess what? May mga nag-react sa Instagram account ni Claudine Barretto kung saan naka-post ang litrato niya kasama ang isa sa Tulfo Brothers na si Raffy Tulfo at ang lawyer ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio.
Ayon sa ilang nag-react, kung guÂmawa si Claudine ng paraan para mag-reach-out kay Mon sa pamamagitan ng kapatid nitong si Raffy, bakit hindi raw ito gumawa nang paÂraÂan na makipag-ayos sa kanyang nakaalitang mga kapatid na sina GretÂchen at Marjorie Barretto at maging sa kanyang ex-husband na si Raymart.
Ang masakit lang dito, masama ang binitiwang salita ni Mon laban sa lumabas na photo nila nina Raffy.
Pinatawad na raw niya si Claudine dahil meron naman daw itong problema sa ‘utak.’
Sasagot pa kaya si Claudine sa mga sinabi ni Mon?
Sheryl inilabas na ang pagiging composer
Kilala ang Cruz clan sa pagiging maÂhuhusay na singers kaya ang magpi-pinsang sina Sheryl Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz, at Sunshine Cruz, at maging ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz ay pawang mahuhusay na singers maging ang yumaong ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte at pinsan nitong si Tirso Cruz III ay pawang magaÂgaling na mang-aawit.
Sa part ni Sheryl, ang isa pang talent na kanyang unti-unting inilalabas ay ang pagiging isang composer. Katunayan, dalawang cuts sa kanyang bagong album na Sa Puso ay Ikaw Pa Rin ay sariÂling composition niya, ang Mananatili at The Last to Know. Meron na siyang 18 compositions na naka-rehistro sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers).
Si Sheryl ay matagal nang bumalik sa Pilipinas nang sila’y maghiwalay ng kanyang US based ex-husband na si Norman Bustos. May isa silang anak, si Ashley Nicole.
Matagal nang tanggap ni Sheryl ang pagiging single mom kay Ashley kaya binabalanse niya ang kanyang papel bilang ina ng kanyang kaisa-isang anak at ang kanyang pagiging isang singer-actress na ngayon ay dinagdagan niya ng kanyang pagiging isang composer.