Isa si Julie Ann San Jose sa mga kakaunting sikat na artista na hindi humihinto sa kanyang pag-aaral. “Ito lamang ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko sa parents ko. Isa pa, kakaunÂting artista lamang ang nakakatapos ng kolehiyo. Gusto kong mapabilang dun sa kakaunti na makakakuha ng diploma. Iba ‘yung may pinag-aralan ka. Gaano ka man kasikat na artista, iba pa rin yung nakatapos ka ng edukasyon,†madiing sabi ng Kapuso artist.
Marami nga ang kumukumbinsi sa kanya na puwede siyang mag-aral kahit sa bahay o kahit sa set ng kanyang trabaho, pero ayaw niya. Gusto talaga niyang maranasan ‘yung araw-araw ay pumapasok ng school at nagkakaroon ng buhay outside of showbiz.
Sa ngayon, kuntento ang singer sa kanyang mga gig. Nagagawa rin niyang pagsabayin ang pag-aarÂtisÂta sa kanyang pagkanta. May daÂlaÂwa siyang regular program sa GMA sa kasalukuyan, ang Pepito Manaloto at Sunday All Stars.
Meteor Garden fans hindi pinahirapan ng Kapamilya
Matapos ipalabas muli ng ABS-CBN ang MeÂteor Garden hindi naman sila pinahirapan ng network dahil madali lamang nila itong tinapos. Hindi na inaÂbot ng buwan para mapanood ito. Parang sinubok nga lang ng istasyon kung marami pa ang followers ng F4 at Barbie Shu. Hindi naman sila nabigo. Marami pa ring followers ang lima na natuwa sa updates na napanood nila. Yes, ipinamalas nila sa mga manonood kung ano na ang itsura ng lima ngayon at kung anong mga ginagawa nila. Maganda ring promo ang Meteor Garden sa kasunod na teleserye ng Kapamilya Network na nagtatampok naman kay Lee Min Ho ng Boys Over Flowers na itinuturing palang hari ng mga telenoÂvela at star ng The Heirs na nagsimulang mapanood kahapon.
Hindi rin naman patatalo ang GMA dahil muli nilang ibinabalik nila ang JeÂwel in the Palace. Marami rin ang nanonood nito at naging tagahanga ni Jang Geum pero mas naging viewer ako ni Jumong.
Nagkukulang na ba tayo ng magagandang foÂreign telenovela kung kaya nagre-run na ang mga network?
Rainbow Loom kinababaliwan
Malaki ang epekto ngayon sa mga panoorin sa TV, lalo na sa gabi, ang pagÂsulpot ng bagong pinagkakaabalahang Rainbow Loom. Ito ‘yung craft na nagtuturo kung paano gumawa ng mga bracelets mula sa rubber bands. Kung hinÂdi n’yo pa ito alam, aba nahuhuli na kayo sa balita. Halos lahat ng baÂgets na naÂkaÂkasalubong n’yo ay may suot-suot na ganito sa kanilang mga kamay. At hindi nila ito binili nang yari na. Kadalasan ay sila mismo pa ang gumagawa, gaÂano man kamahal ang kita nito at kahit maging ng mga gomang ginagamit sa paggawa nito.
Wala namang gaanong pagkakaiba ang orihinal na gamit nito na nabibili sa mga malls sa peke o pirated. Mas mura nga ang peke pero who cares kung hindi pare-pareho ang sukat ng mga pekeng goma? Ang importante ay hindi ka nahuhuli at nakakasunod ka sa uso. For once rin ay iniiwan mo sumandali ang mga gadgets mo para gumawa ng mga bracelets na pwede sa babae o lalaki man. Unisex. It also keeps children out of the street.
Try n’yo rin. It’s very enjoyable, and addicting. Maganda rin itong family bonÂding. Para sa mga disenyo, may mga available patterns kasama ang kits na naÂbibili at meron ding available sa Internet.