^

PSN Showbiz

Kahit nag-deny ang basketbolista Vice Ganda protektado pa rin si Terrence Romeo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay napa­balitang nagkahiwalay na sina Vice Ganda at ang diumano’y karelasyon daw na basketbolistang si Terrence Romeo. Nagbigay ng pahayag ang basketbolista at iginiit nitong hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Vice.

“Whatever they have to say about me, kung ano man ang gusto nilang iparating sa akin, nasa sa kanila na ‘yun. Kung masakit man, eh ‘di ako na lang ang masasaktan. Hindi na ako kailangang mag-react,” pahayag ni Vice. 

Sa naging pahayag ni Terrence sa isang sports website ay nakiusap ang binata na sana ay tigilan na ang isyu tungkol sa kanila ng komedyante.

“Sana matapos na ‘yung isyu na ‘yan, dahil paulit-ulit lang naman na hindi katotohanan! Isang multo ‘yan ng imahe ko na gusto ko nang mabura totally,” pahayag ni Terrence. Nakiusap rin ang basketbolista sa mga tagahanga ni Vice na tigilan na ang pagpapakalat ng malisyosong balita tungkol sa kanila ng komedyante.

“Sariling buhay na lang nila ‘yung pansinin nila,” giit ni Terrence.  “Never akong nagpangalan. I never clarified, I never admitted, I never confirmed anything. I never said na we were together. Wala akong tahasang direktang sinabing Terrence Romeo at wala akong masamang sinabi sa kanya. I will never say anything ill about him,” paliwanag ni Vice. 

Sinasabing nagkakilala raw sina Terrence at Vice ilang taon na ang nakararaan sa Far Eastern University kung saan naglalaro pa noon ang binata sa nasabing eskwelahan na pinagtapusan din ng komedyante ng kolehiyo. Naging maingay ang diumano’y hiwalayan ng dalawa nang mag-post si Vice sa kanyang Twitter account ng ilang makahulugang mensahe.

‘It is over, I Tried but im TiRed. time To Rest.’ Kapansin-pansin ang nakamalaking letra na T at R kaya marami ang nagsasabi na posibleng si Terrence Romeo nga ang tinutukoy nito. 

Kontrobersyal din ang naging post sa diumano’y Facebook account ni Terrence. Ayon kay Vice ay agad daw siyang tinawagan ni Terrence nang kumalat ang tungkol dito.

“Tinawagan niya ako to clarify and to apologize for what has been said, kung anong lumabas, kung anong nasabi nila. I felt sorry for him kasi napakinggan ko ‘yung podcast. Naawa ako kasi parang napaglaruan sila ng interview,” kuwento ni Vice.

 â€œKaya nga sabi ko sa kanya, ‘I never had any doubt na it will not come from your mouth. I knew na hindi siya galing sa bibig mo.’ ‘Yung saktong na-quote sa kanya, it was spoon-fed, wala nang nagawa. Naawa din naman ako kasi na-pressure,” dagdag pa niya. 

Maging ang ama ng basketbolista na si William Romeo ay nagsalita na rin sa pagkakaugnay ng anak kay Vice. Itinanggi rin nito na hindi totoong binigyan diumano ni Vice ng mamahaling sasakyan at condominium unit si Terrence.

“I don’t have any negative words to say about them. Gusto ko ipagtanggol ang sarili ko pero ayaw kong may taong masaktan at mapahiya kapag lalo ko pang ipagtanggol ang sarili ko. Ayaw kong manakit ng isang taong naging mahalaga sa akin. Ayaw kong manakit ng kaibigan,” makahulugang pagtatapos ni Vice.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AYAW

FAR EASTERN UNIVERSITY

I TRIED

NAAWA

NEVER

TERRENCE

TERRENCE ROMEO

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with