Mukhang magiging kakampi pa ni Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago ang mga Tulfo na kung natatandaan natin ay nakaaway ni Claudine at ipinagtanggol lamang siya ni Raymart kaya ito nasangkot sa away. Hayyyyyy! Kailan kaya matatapos ang away na ito? Sana mag-usap-usap na rin ang mga abogado nila para hindi na humaba pa ang kaso. Nakakaawa na sila!
Joey napikon sa beauty queen
Para namang napakapikon ni Joey de Leon nang mag-react ang isang beauty contest winner na kasama niyang naging judge sa Super Sireyna contest ng Eat Bulaga. Nag-react ito sa kanyang pahayag na mas maÂgaÂgaling ‘yung mga beki sa contest ng EB kaysa sa mga beauty contest na sinasalihan ng mga tunay na babae. Nag-react ang beauty queen na ikinapikon ni Joey.
Maegan, dapat tigilan na ang paglaban sa tatay!
Sana rin umiwas nang mag-guest sa TV at magsalita ni Maegan Aguilar laban sa kanyang ama. Ama niya yun eh! Anuman ang rason niya at may katuwiran man siya, lalabas pa rin siyang may kasalanan. Ang mabuti niyang gawin ay matutong mabuhay independently from her father. May sarili na silang buhay pareho.
Kris at Derek, mag-best friends?
Hindi komo mom and dad ang tawag ni Kris Aquino sa mga parents ni Derek Ramsay ay nanliligaw na siya sa hunk actor. Hindi ba puwedeng magkaibigan lang sila and most friends call the parents of their friends mom and dad, too? Kayo naman masyadong malisyoso!