Eric binigyan na rin ng basbas si Zsa Zsa para pakasal uli
Balik ang actor-director na si Eric Quizon sa baÂkuran ng ABS-CBN bilang direktor ng bubuÂhaÂying true-to-life legal drama anthology, ang Kung May Katwiran, Ipaglaban Mo which was last aired sa Kapamilya network in 1998. Ito’y ihu-host ng mag-amang Atty. Jose Sison at anak nitong si Jopet Sison na kamakailan lamang ay pumirma ng one-year contract with ABS-CBN.
Masaya ang pakiramdam ni Eric sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya Network, kung saan nagsimula at na-hone nang husto ang kanyang pagiÂging isang TV director.
Samantala, tulad sa naÂkababata niyang kapatid na si Epi Quizon, ibinibigay din ni Eric ang kanyang basbas sa stepmom na si Zsa Zsa Padilla sa pagkakaroon nito ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Architect Conrad Onglao. Nakita ni Eric at ng kanyang mga kapatid kung gaano minahal at inalagaan ng actress-singer ang kanilang amang si Dolphy nung ito’y nabubuhay pa hanggang sa kanyang pagkamatay. Ayon kay Eric, bata pa umano si Zsa Zsa at deserved nito na magkaroon ng bagong mamahalin at maging masaya ngayong magdadaÂlawang-taon nang namayapa ang kanilang ama. Masaya si Eric para kay Zsa Zsa.
Tres Marias nina Sunshine at Cesar tanggap nang hindi na magkakabalikan pa ang mga magulang
Tatlong teenage daughters ang mga anak ng estranged couple na sina Cesar Montano at SunÂshine Cruz na pare-parehong kasama ng singer-actress sa bago nilang nilipatang bahay sa PaÂrañaÂque. Pero malaya umano si Cesar na mahiram at maÂkita ang mga bata kaya nananatili ang pagiging ama ng actor-director sa kanyang mga anak kay Sunshine.
Tanggap na ng Tres Marias nina Cesar at Sunshine na malabo nang magkabalikan pa ang dating mag-asawa kaya okey lang sa mga bata na muling makatagpo ng bagong mamahalin ang kanilang hiwalay na parents.
Si Sunshine ay muling mapapanood sa bagong serye ng Dos, ang Pure Love.
Jennylyn inuuna ang anak
Ikakasal na umano ang aktor na si Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend nitong si Nikka Martinez kung saan may isa na itong anak. May isa ring anak si Patrick sa singer-actress na si Jennylyn Mercado, si Alex Jazz.
Nakarating na kay Jennylyn ang balitang pagpapakasal ni Patrick sa present girlfriend nito, at masaya naman siya para sa ama ng kanyang anak. Matagal nang nakapag-move on si Jennylyn sa naging relasyon nila noon ni Patrick. While gusto ni Jennylyn na maging masaya si Patrick at magiging misis nito, gusto lang ng singer-actress na huwag pabayaan ni Patrick ang kanyang obligasyon bilang ama ni Alex Jazz.
Sa part naman ni Jennylyn, naka-focus ang kanyang attention ngayon sa kanyang career at sa kanyang anak bago siya muling mag-entertain ng bagong mamahalin. Naniniwala siya na may tamang guy na darating sa kanyang buhay.
- Latest