^

PSN Showbiz

Kahit sobrang busy, Ryzza Mae ayaw tumigil sa pag-aaral!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Aleng Maliit ang paboritong itawag ng lahat kay Ryzza Mae Dizon, siguro dahil siya ang nag-iisang walong taon gulang na nakakayang mag-host ng isang 30-minute talk show na nagsisilbing pre-prog­ram ng sikat na programang Eat Bulaga. Hindi rin basta-basta ang kanyang mga naging bisita at naka­kausap, mga malalaking artista rin na nakukunan niya nang mahahalagang impormas­yon at balita tungkol sa kanilang mga sarili at tungkol din sa industriya na kanilang ginagalawan.

Hindi mo naman iisipin na walang script na gina­gamit si Ryzza Mae, pero ito ay gabay lamang para ma­laman niya kung ano ang magiging takbo ng pakikipag-usap niya sa kanyang bisita. The rest is up to her. Ganun siya kagaling!

“Dati walang pumapansin sa akin sa school. Nga­yon, marami na ang nagpapapirma sa akin ng autograph at nagpapa-picture. May pang-aral na rin po ako sa college. Gusto kong maging isang sikat na chef balang araw,” sabi niya sa mga pumasyal sa kanyang media at kumausap sa kanya bago simulan ang The Ryzza Mae Show na kahit abala sa career ay ayaw itigil ang pag-aaral.

Mga sikat na singer noong 80’s, kaabang-abang ang concert!

Isa sa mga concert na talagang pinakakaabangan ko ay ang The Hitmen Welcomes Boy Mondragon sa May 30, na nagtatampok kina Chad Borja, Rannie Raymundo, Renz Verano, Richard Reynoso, at Boy Mondragon.

Ang mga singer na ito ay naging malaking bahagi ng a­king buhay bilang isang music lover at entertainment writer.Tat­lo sa kani­la ang mga naging kaibigan ko at ang dalawa pa ay naging paborito kong isu­lat. Pero silang lima, at walang kokontra sa sasabihin ko, ang pina­ka­ma­­lala­ki at mahusay na singer nung kapanahunan nila in the 80’s (o 90s na ba yun?). Baka magalit sila kapag pinalabas ko ang mga tunay nilang edad na hindi naman dapat mangyari dahil hanggang sa ngayon marami silang hihiyaing mga sikat na manganganta sa kanilang husay sa entablado.
I’m sure ngayon pa lamang ay dinudumog na ang ticket office ng Primos Cuisine & Lounge na matatagpuan sa Mayflower St., Edsa corner Shaw Boulevard para sa pagtatanghal na gagawn nila.

Matapos matengga, Glaiza bibida na

Ang tagal naburo ng beauty ni Glaiza de Castro. Buti naman at may mga iba siyang trabaho, tulad ng indie movies at guesting sa mga GMA shows, hindi siya nakalimutan ng ma­nonood. Kung sabagay, may project man o wala ang isang talento na katulad niya ay hindi makalilimutan ng kanyang mga tagasubay­bay at tagahanga, lalo’t ang huli niyang ginawa bago siya ‘nawala’, ang Temptation of Wife ay sobrang ganda ang kanyang naging performance. 

May seryeng muli ang magaling ding singer, kapartner naman ni Gabby Eigenmann na pumayat na rin siguro dahil pinagkatiwalaan na naman ng lead role ng GMA. Hindi kontrabida kundi bida ang role ni Glaiza sa Dading Bading na ididirek ni Ricky Davao.

Dennis inubos ang summer sa anak

Inubos naman ni Dennis Trillo ang buong summer niya sa pakikipag-bonding sa kanyang anak. Bukod sa mga kinailangan niyang gawin para sa Kapuso Network. 

Kung hindi lamang nagkasakit ang Kapuso actor ay baka nasimulan na niya ang indie movie na The Janitor pero nagkataon na na-pneumonia din ang co-star niyang si Derek Ramsay, kaya natigil ang shooting ng pelikula na ididirek ni Mike Tuviera para sa Cinemalaya.

BOY MONDRAGON

CHAD BORJA

DADING BADING

DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY

EAT BULAGA

GLAIZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with