Hindi pa pala natatapos ang away sa pagitan nina Kris Aquino at AiAi delas Alas. Akala ko solved na, kasi wala naman akong naririnig ni ano pa man, lalo na sa panig ni Kris.
Bakit kaya walang magawa rito ang common friend nilang si Boy Abunda? Hindi naman siguro siya hihiyain ng dalawa kung pagbabatiin niya sila. O grabe ang namamagitang away sa dalawa kaya ayaw niya silang pakialaman?
Katrina tanggap nang pang-nanay na ang role
Pumayag na palang mag-mother role ni Katrina Halili. Kung sabagay bilang isang tunay na aktres dapat ay handa siyang gumanap sa anumang role na ialok sa kanya. Isa pa, totoo namang nanay na siya. May anak na rin siya, hindi nga lang kasing tanda ng mga aktor na gaganap na mga anak niya sa isang serye ng Kapuso Network.
Tom marunong tumanaw ng utang na loob
Napakagrasyoso nitong si Tom Rodriguez. Hindi nakalimutanag pasaÂlamatan ang pinanggalingan niyang ABS-CBN nang tumanggap ng tropeo sa isang awards giving body kahit pa ang bulto ng kanyang pasasalamat ay ibinigay niya sa kinabibilangan niya ngayong GMA. Hanga ako sa mga marunong tumanaw ng utang na loob.