X-Men, nasa Tropa Mo Ko Unli ngayong Sabado

MANILA, Philippines - Isang maaksyon at magulong Sa­ba­do ng gabi sa Tropa Mo Ko Unli at mag-spoof sila ng pinakamainit na pelikula ngayong summer, ang X-Men.

Pangungunahan sa katatawanan nila Alwyn Uytingco bilang si Wolve­ring, Edgar Allan Guzman as Shyclops at si Empoy bilang Night Caller. Kakalabanin nila ang masasamang loob sa pangunguna ni Bagneto (Long Mejia). At sa isang pambihi­rang pagkakataon, makikigulo ang direktor ng Tropa Mo Ko Unli na si Monti Parungao. Panoorin ‘yan ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng PBA games.

Show comments