MANILA, Philippines - May isang taon na ring nakikipagsapalaran sa showbiz si Cristopher Keim. Okey naman ang itinatakbo ng karera niya dahil sa loob ng maiksing panahon ay may pinupuntahan naman ang kanyang nasimulan. Napasama siya sa mga programa ng GMA7 at madalas din ang guestings niya sa ABS-CBN. Sa ngayon ay may bago siyang project. Kasali siya sa isang teleserye ng Kapuso Network. Magte-taping din siya para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
“I’m very grateful po at nasa circle ako ng mga legitimate talent manager gaya po ng pag-suporta po sa akin ni Tito Leo Dominguez at mga handler niya, “ sabi ni Cristopher.
“Masaya at kumportable po ako sa pagtatrabaho lalo na kapag nakakasama ko po mga veteran stars like si Ate Snooky Serna po. Hindi po ako naiilang at nailalabas ko po ang aking acting. Para po kasing barkada ko po siya. Siguro, dahil pareho po kami ng manager si Sir Mio MananÂsala.â€
Si Cristopher ay nagsimula bilang model sa edad na 14. Mula sa pagiging estudyante na nagtapos ng kursong nursing, nagkatotoo na rin ang pangarap niya na pumasok sa mundo ng showbiz.
Kung may pagkakataon na bigyan siya ng lead role sa pelikula o telebisyon, gusto niyang maging leading lady sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, at Rhian Ramos. Pangarap niya na magampanan ang mga ginagawa sa pelikula ng kanyang mga hinahangaang sina Piolo Pascual at Paulo Avelino. Isa sa dream roles niya ay bad boy.
Nakatapos na rin pala siya ng isang pelikula at ito ay ang Homeless na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Snooky Serna, Dimples Romana, at Martin del Rosario. Abangan pala si Cristopher sa Bench Universe this year.