MANILA, Philippines - Kapapasok pa lang ng bagong celebrity housemate ng Pinoy Big Brother All In na si Daniel Matsunaga pero bibung-bibo na ito sa pag-train sa housemates na magpapayat para sa kanilang bagong weekly task.
Nagsimula na ngang ibahagi ni Daniel, na pumasok sa Bahay ni Kuya noong Sabado (Mayo 17), ang kanyang exercise routine at maÂging sa pagmumungkahi ng ihahaing pagkain sa kapwa housemates para tulungan ang ibang magbawas ng timbang.
Para tutukan ang kalusugan ng mga housemate, minabuti ni Kuya na sukatin ang timbang nila at lumabas na bumigat mula sa kanilang paunang timbang sa pagpasok ng PBB house sina Jane, Nichole, Loisa, Aina, Vickie, Axel, Jacob, at houseguest na si Alex.
Nakasalalay ang tagumpay ng weekly task sa mga nasabing housemate na kailangang magbawas ng timbang at bumalik sa kanilang paunang timbang pagpasok nila ng Bahay ni Kuya o kaya ay mas mababa pa roon.
Samantala, sa pagtatapos ng linggo, isa na namang housemate ang mapapalayas mula sa Bahay ni Kuya. Sino kina Axel, Manolo, Aina, at Michele ang sa tingin mo ay karapat-dapat pang manatili sa Bahay ni Kuya?
Ipakita ang suporta para sa iyong paboritong housemate sa pamamagitan ng ‘vote to save.’ I-text lang ang BB <name of housemate> at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers. Nagkakahalagang P2.50 ang bawat botong ipapadala para sa Globe, TM, Smart, at Talk ‘N Text, P2 sa Sun Cellular, at P1 naman para sa ABS-CBNmobile.
Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother All In gabi-gabi pagkatapos ng Aquino & Abunda Tonight sa Primetime Bida at sa Pinoy Big Brother All in Uber pagkatapos ng Moon of Desire sa Kapamilya Gold.