Humarap sa entertainment media ang dalawa sa mga executives ng ABS-CBN na sina Jing Reyes at Linggit Tan, at top executives ng NHK-Japan para sa co-production venture ng dalawang top TV networks. Ang joint-venture ng dalawang giant TV networks ng Pilipinas at Japan ay magsisimula ngayong Linggo, May 25 sa RaÂted-K program hosted by Korina Sanchez kung saan ay ipalalabas sa isang segment ang kilalang Japanese-Filipino sumo wrestler na si Masunoyama Tomoharu at ang kanyang ina na hiwalay na sa kanyang Japanene father.
Magmula nang magkahiwalay ang parents ni Masunoyama, bumalik sila ng Pilipinas at dito kaÂsaÂma ang kanyang mga kapatid, nagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa high school. Nang siya’y 14 years old na, muli silang bumalik ng Japan at sumali si Masunoyama sa Chiganoura sumo stable kung saan siya nagsimula nung 2006. Mag-isang iginapang ni Maria Christine ang kanyang mga anak.
Sa Happy Surprise segment na co-produced ng ABS-CBN at NHK, walang kaalam-alam si Maria ChrisÂtine sa big surprise na inihanda para sa kanya.
Ang buong akala lamang niya ay kaya dumating ng Japan si Korina Sanchez ay para mag-feature ng mga magagandang landmarks ng Tokyo, Japan. Habang ini-interview ni Korina si Maria Christine ay biglang naglitawan ang mga sumo wrestlers na pinangunahan ng kanyang anak na si Masunoyama at nagpakitang-gilas ng sumo dance na ikinagulat ng ina. Lalo itong napaiyak nang makita ang banner na nagpahayag ng pagmamahal sa ina.
Very touching ang eksenang `yon at tiyak na mapapaÂluha ang mga makakapanood nito. Bukod sa isang segment ng Rated K, ito’y maÂpapanood din sa segment ng Happy Surprise sa NHK-Japan by the end of the month.
Dahil sa recent tie-up ng ABS-CBN at NHK, lalong magiging strong ang presence ng ABS-CBN sa Japan at maging ang NHK sa Filipino audience worldwide.
During the presscon, nag-suggest din ang isa nating kasamahan sa panulat na si Mario Bautista na i-feature din sa Happy Surprise ang sumikat na Filipina singer sa Japan na si Marlene dela Peña at maging ang Filipina award-winning actress sa Japan na si Ruby Moreno.
Actually, marami ring iba pang magagandang successful stories ng mga Filipina sa Japan at isa lamang marahil ang kuwento ni Maria Christine at ng kanyang sikat na sumo wrestler son na si Masunoyama.
Alex patatalsikin na sa Bahay ni Kuya
May suspetsa kami na lalabas na this week bilang celebrity housemate ng Bahay ni Kuya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex dahil kasama ito ni Luis Manzano na maghu-host ng The Voice Kids na magsisimula nang mapanood ngayong May 24. Hindi nga lamang namin malaman kung ito’y force eviction dahil meron ding mga violations sa loob ng bahay si Alex. Since palabas na ng bahay ni Kuya si Alex, pumasok naman sa loob ang Japanese-Brazilian model-turned actor na si Daniel Matsunaga.
Respeto na lang, Carla hindi na naki-bonding sa pamilya ni Geoff
Dapat pala ay kasama si Carla Abellana ni Geoff Eigenmann at ng kanyang pamilya na magÂbabakasÂyon sa Japan pero hindi na sumama pa si Carla dahil hiwalay na nga sila ni Geoff. Ang Japan trip ay plinano noon pa mang hindi pa hiwalay ang dalawa at nang dumating ang schedule ng Japan trip ay wala na sila. Hindi nga naman magandang tingnan kung sasama pa siya sa Japan gayung break na sila ni Geoff.
Nangyari ito kay Carl Guevarra na sumama pa rin sa Japan kay Kris Bernal at pamilya nito kahit nagkakalabuan na sila ng kanyang nobya. Pagkatapos ng kanilang Japan trip ay saka naman sila tuluyang nagkahiwalay.
Alam mo, Salve A., napansin ko na nagiging favorite destination ng marami sa ating mga celebrities ang Japan na hindi naman kataka-taka dahil napakaganda talaga nito, napaka-expensive nga lamang doon. Kapag naging visa-free na sa mga Filipino ang Japan, tiyak na mas maraming turista ang darayo roon.
Sana man lang ay mapulot ng mga Pinoy ang disiplina ng mga Hapon. Ang pagiging malinis ng kapaligiran, ang pagiging honest at polite ng mga tao roon.