Asec Dantes for Assistant Secretary ang tawag ni Marian Rivera ngayon sa BF niyang si Dingdong Dantes na nanumpa sa harap ni Sen. Bam Aquino bilang Commissioner-at-Large sa National Youth Commission. Very proud ang aktres sa BF at suportado niya ito kahit pumasok pa sa pulitika, basta marami ang matutulungan.
Anyway, pinasasaya ni Marian ang kanyang fans at viewers ng Eat Bulaga na daily siyang napapanood ngayon. Pumayag itong sa labas siya ng studio at isama kina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa All for Juan segment. Pero hindi pa raw ito tuluy-tuloy sa EB at may months lang na lalabas siya.
Mag-aaral, Rafael pangarap magkaroon ng organic farm
Magtatapos din ang The Borrowed Wife this Friday at masaya si Rafael Rosell sa ending dahil may closure ang bawat characters. Kaya kahit napagod sa taping, worth it pa rin para sa kanya ang puyat at pagod na pinagdaanan sa ilang buwang taping.
After The Borrowed Wife, humingi ng one month vacation si Rafael sa manager niyang si Popoy Caritativo, magpapahinga muna siya at gustong mag-enroll ng voice lesson at public speaking. Gusto yatang kumanta ng aktor, pero hindi sa pulitika niya gagamitin ang public speaking, may iba itong plano na hindi muna sinabi.
Habang bakasyon, mag-aaral din ng farming si Rafael at gustong maging horticulturist. Nag-iba na raw ang hilig niya at pangarap dahil ang dream niya ngayon ay magkaroon ng farm, organic farm na hindi lang para sa sarili but for everybody na gaya niya’y gustong magkaroon ng healthy lifestyle.
Marrying age na si Rafael, pero wala pa silang balak magpakasal ng GF niyang model na si Olivia Medina.
LJ hindi inimbita ni Paulo sa kanyang birthday party
Nakita namin si LJ Reyes sa 1st PEP List Awards at tinanong namin sa pinost na picture ni Paulo Avelino sa kanyang birthday kasama ang anak nilang si Aki. Ama raw ng anak niya si Paulo at dapat lang na kasama nito sa birthday ang anak.
Nagbiro itong hindi siya inimbita ni Paulo kaya wala siya sa birthday dinner nito.
Nagulat pala si LJ na nali-link sila ni Dennis Trillo at nangyari ito mula nang gawin nila ang 2014 CiÂnemalaya entry na The Janitor. Sa tsikang nakita silang magkasama, baka kamukha lang daw niya ang kasama nito, pero hindi siya ‘yun.
Natatawa si LJ sa mga kaibigan niyang babae dahil biglang gustong dalawin siya sa shooting ng movie nila ni Dennis at alam niyang hindi siya ang gustong makita kundi ang aktor.