MANILA, Philippines - Isang exciting na linggo ang naghihintay sa mga manonood dahil itinatampok ng Kapuso Network ang isang once-in-a-lifetime chance na mapabihag ang puso ng alien heartthrob na si Matteo Do (Kim Soo Hyun) sa pamamagitan ng #In15Seconds online gimik ng My Love from the Star na tatagal hanggang sa Lunes (Mayo 26).
Sa episode na napanood, nagulat si Matteo nang makita niya sa kanyang bahay ang human superstar na si Steffi Cheon (Jeon Ji Hyun). Habang sila ay nag-uusap, ipinagmalaki ni Steffi na kaya niyang paibigin si Matteo sa loob lamang ng 15 segundo. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan at sopistikadang personalidad, hindi siya nabigong akitin si Matteo kaya hinalikan siya nito.
Dahil sa magandang feedback na natanggap nito mula sa mga Pilipino simula sa pilot episode, inihahandog ng GMA Network ang isang online gimik sa lahat ng mga manonood ng highest-rating Koreanovela na ito. Sila ay inaanyayahang gumawa ng isang 15-second video na nagpapakita kung paano nila mapapaibig si Matteo kung sila ang nasa lugar ni Steffi. Ang mga entries ay kailangang ipadala sa GMA Network website kasama ng kanilang kumpletong registration details, kung saan isa lamang ang magwawagi.
Dahil sa consistent na mataas na ratings na nakakamit ng My Love from the Star, ipinapalabas pa ng GMA Network ang Kilig Throwback nito tuwing Linggo sa Kapuso Movie Festival.
Ang patuloy na pagiging trending topic sa Twitter ng My Love from the Star ay isang repleksyon din ng matinding pagtangkilik dito ng mga Pilipino.