PIK: Ang laki nang ipinagbago ng dating child star na si Miguel Tanfelix nang humarap ito sa press launch ng bagong drama series ng GMA Telebabad na Niño.
Sabi ni Miguel, sa ilang araw na taping nila sa Niño, marami raw talaga siyang natutunan sa co-actors niya lalo na sa mga veteran actors na laging nagga-guide raw sa kanya.
Malaki ang pasasalamat niya kay Gloria Romero na laging pinaalala raw sa kanya ang professionalism sa trabaho. Kaya talagang iniiwasan daw niyang ma-late dahil laging nauunang dumating si Tita Glo.
Sa Lunes na magsisimula ang Niño pagkatapos ng 24 Oras.
PAK: Halatang nasa awkward moment si Elmo Magalona nang dumating ito sa PEP List Awards na ginanap sa Solaire Resorts and Casino kamakalawa ng gabi.
Kasama ni Elmo si Janine Gutierrez na dumating at rumampa sa red carpet ng PEP List Awards. Pero sumusunod naman ang napabalitang ex-girlfriend nitong si Lauren Young. Halatang hindi siya kumportable na kinukunan ng mga photographers at cameramen na halos katabi lang si Lauren.
Sabi niya okay lang naman daw siya, pero hindi maitagong uncomfortable siya na katabi niya ang ex at ang current na nali-link sa kanya.
BOOM: Nagkuwento ang PEP List Newsmaker of the Year awardee na si James Yap na nakakapag-dinner na raw sila ng girlfriend niyang si Michela Cazzola na kasama ang anak niyang si Bimby.
Behave raw si Bimby sa dinner nila, at parang naging kumportable naman daw ito sa girlfriend niya. “Tita Mic†daw ang tawag ni Bimby kay Michela at ang isa raw sa curious si Bimby sa Tita Mic niya ay bakit daw gusto nitong magpaitim.
Paliwanag daw ni James, ganun naman yata, kung maputi ka gusto mo magpaitim. Kung maitim ka, gusto mo naman magpaputi.
Sabi raw ni Bimby sa kanya, “I’m white, but I don’t want to get dark.â€