^

PSN Showbiz

Tsismosong pulis, idinaldal na ang pagkukulungan, Sen. Bong at Sen. Jinggoy handang-handa na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi nakapagtataka kung kumbinsido sina Senators Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada na makukulong sila dahil sa pork barrel scam na ibinibintang sa kanila.

Paanong hindi sila makukumbinsi? Eh nagpapainterbyu na ang isang t­alkative police officer na nagkuwento tungkol sa bungalow house sa loob ng Camp Crame na magiging kulungan umano nina Bong at Jinggoy.

Hindi naman maglalakas loob na magsalita ang police officer kung hindi siya sigurado sa impormasyon na idinaldal niya sa mga reporter.

Mali man ang ginawa ng police officer, may positive side din dahil mapaghahandaan nina Bong at Jinggoy ang mga susunod na kabanata. I’m sure, bago pa lumabas sa mga diyaryo o news programs ang nalalapit na pagdakip sa kanila, alam na nina Jinggoy at Bong ang mga magaganap. Baka mas marami pa nga silang alam kesa sa police official na hindi nakatiis na hindi magpainterbyu sa mga reporter sa kundisyon na huwag babanggitin ang kanyang pangalan.

Pagtanggap sa mga gustong maging Miss Manila, tapos na

Noong May 20 ang last day ng filing ng application para sa mga kababaihan na nangangarap maging Miss Manila 2014.

Sa Sabado, May 24, ang screening na gaganapin sa Palacio de Maynila mula 9:00 am hanggang 9:00 pm. Beauty of face and figure (40%), intelligence (25%), confidence, poise and elegance (25%) at over-all impact (10%) ang mga criteria sa screening ng Miss Manila.

Big prizes at big opportunities ang naghihintay sa lucky girl na tatanghaling Miss Manila 2014 sa coronation night na idaraos sa Rizal Memorial Stadium sa June 24. Project ng City of Manila at ng MARE Foundation Inc. ni Dra. Loi Ejercito ang search for Miss Manila 2014.

Kaarawan ni Jose Rizal, ipagdiriwang sa 1st Buhayani Festival

Sa June 24 ang pista sa Calamba City pero matatapos sa June 19 ang week-long celebration ng 1st Buhayani Festival na magsisimula sa June 12.

Kung may search for Miss Manila si Mayor Joseph Estrada, maraming activities na inihanda si Calamba City Mayor Justin Chipeco sa paggunita sa 153rd birth anniversary ni Gat Jose Rizal sa June 19 na tinawag niya na Buhayani, Buhay ng Bayani, Buhay na Bayani.

Naniniwala si Papa Justin na dapat gunitain ang kaarawan ng ating Pambansang Bayani at imbitado ang lahat sa isang linggo na pagdiriwang ng Buhayani.

Ang Larong Pinoy sa Dambanang Rizal, Martsa de Rizal, Hawig Rizal, Saranggolahan ni Pepe, Calambike ng Pepedals, Talinong Rizal, Buhayani Short Film Festival, Float Parade, at Buhayani Sayawindak Street Dancing Competition ang activities sa Buhayani Festival.

Malalaking premyo ang naghihintay sa mga sasali sa iba’t ibang contest na may kinalaman sa buhay ni Gat Jose Rizal. Sa mga gustong mag-join, tumawag sa telephone numbers  (049) 545-6789 local 8332, 09164226609 o 09432804277 at mag-inquire sa Cultural Affairs, Tourism and Sports Development Dept. ng Calamba City at hanapin si Mr. Francis Fajardo.

Good luck!

Salamat sa mga regalo at pagbati!

Maraming salamat sa lahat ng mga nakaaalala sa 67th birthday ko noong Martes. Na-appreciate ko ang gifts na ipinadala ninyo at ang mga text message na feeling ko, eh sincere naman.

Maraming salamat sa mga nagpadala ng lechon, laptop, ham, cakes, flowers, at kung anu-ano pa.

Hindi ko na iisa-isahin ang kanilang mga pangalan dahil hindi ko pinangarap na may magtampo kapag nakalimutan ko na banggitin ang names nila.

At sa mga nag-text at nag-greet sa akin ng happy birthday, thank you again kahit hindi puwedeng lumabas mula sa cell phone ko ang mga birthday gift na gusto ko. Sa ganitong pagkakataon ko nami-miss si Papa Miguel Belmonte na hindi nakakalimot, kahit hindi ko i-remind ang birthday ko. ‘Yun lang!

Janine Gutierrez nanghiram lang ng gown kay Megan

Parehung-pareho ang royal blue gown na ginamit ni Megan Young sa isang event na dinaluhan nito at ang gown na suot ni Janine Gutierrez sa PEP List Awards noong Martes.

Nagmukhang nanghiram lamang ng gown si Janine dahil so familiar ang mga tao sa gown na ginamit ni Megan matapos nitong mapanalunan ang Miss World Philippines crown.

Hindi puwedeng i-deny na iisang fashion designer lamang ang gumawa ng mga gown nina Janine at Megan.  Nagmukhang kawawa si Janine. Kasalanan ito ng stylist na nagpahiram kay Janine ng gown. Masyado nang over-exposed ang  damit kaya hindi na ito dapat ipinapagamit sa ibang mga artista.

 

BUHAYANI FESTIVAL

CALAMBA CITY

GAT JOSE RIZAL

JANINE

JANINE GUTIERREZ

JINGGOY

MISS MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with