Makakasama ni Luis Manzano si Alex Gonzaga sa The Voice Kids na magsisimula na ngaÂyong Sabado sa Kapamilya network. Para kay Luis ay hindi raw talaga sila pwedeng magkasama ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga sa iisang proyekto.
“One thing we’ve discovered with Alex and I, you can’t put us together. It’s a big mistake to put us togeÂther for a live show,†nakangiting bungad ni Luis. “’Yung daldal naming dalawa, ‘yung wala kaming kasense-sense? We could talk about anything and everything. We’re very fortunate to some degree, that we won’t technically work with each other,†dagdag ng binata.
Si Luis ang magiging pangunahing host ng The Voice Kids habang si Alex naman ang magsisilbing V-Reporter.
“She’s going to be more of an anchor type. I’ll be stage front, while she’ll be with the kids more. I was surprised with our chemistry. I was surprised with how we work together. Hopefully, we can have a project very, very soon. One where we actually spend time standing next to each other, hosting together,†pagtatapos ni Luis.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa loob pa rin ng Pinoy Big Brother house si Alex para sa All In edition.
Coco, napanganga kay Sarah
Sa May 28 ay mapapanood na sa mga sinehan ang Maybe This Time na pinagbibidahan nina Coco Martin at Sarah Geronimo. Ito ang kauna-unahang pelikula na pinagtambalan ng dalawa. May isang eksena raw sa nasabing proyekto na talagang napamangha si Coco kay Sarah. “Feeling ko ako ‘yung hindi nakaarte. Na-surprise ako. After that, tinawagan ko kaagad ‘yung direktor ko. Sabi ko, ‘Direk, okay ba ako doon? Parang feeling ko natulala lang ako.’ First time ko na hindi ako nakapag-react. Siguro na-amaze lang talaga ako, hindi ko ini-expect na gano’n ‘yung gagawin ni Sarah,†kwento ni Coco. MalaÂking karaÂngalan daw para sa aktor na nakatambal niya ang singer-actress sa isang pelikula.
“Proud ako, ito yata ‘yung kauna-unahang pelikula ko na ang gaan ko lang. Siyempre hindi mawawala na may bali ‘yan, may drama. Pero gano’n pala, totoo pala ‘yung nararamdaman mo, naaamoy mo kapag maganda ‘yung pelikula mo,†paglalarawan ni Coco.
“Magaling siya sa romance, magaling siya sa comedy pero hindi ko ini-expect na ganito siya kagaÂling dito. Sabi ko nga ‘yung pundasyon, ‘yung pinagdaanan niya sa buhay, iba. Mas may hugot,†giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS