Away matindi, Freddie sinumbatan ang anak

Ikinalungkot ni Freddie Aguilar ang pagsasapubliko ni Maegan Aguilar sa kanilang family feud.

Sa statement na inilabas si Papa Freddie, sinabi niya na siya ang nagsustento kay Maegan sa loob ng 35-years.

Nakakalungkot naman ta­­la­ga ang bangayan ng mag-ama pero gustung-gus­to ito ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersya. Lumaki ang isyu dahil naging prang­ka rin sa pagsasabi ng kanyang opinyon si Marlene Aguilar, ang younger sister ni Papa Freddie na kampi kay Maegan.

Nagpipista ang mga intrigera sa pagbabasa ng mga komento ni Marlene sa away ng father and daughter team nina Papa Freddie at Maegan. As usual, sanitized ang mga komento ni Marlene para hindi maeskandalo ang dear readers ng PSN. Obvious na obvious na imbyerna si Marlene sa 16-year old wife ni Ka Freddie na pinagbi­bintangan na malakas ang impluwensya sa legendary folk singer.

“Kahit kailan hindi ako nakialam kung sino mang mga babae ang inanchak ng mga kapatid kong la­laki. Sa sob­rang dami na nila, ‘di ako naniniwala na merong tunay na pagmamahalan si Freddie Aguilar at ang 16 year old na yan. Pupusta ako, kung hindi siya sinusustentuhan ng kapatid ko at mga magulang niya e wala siya sa buhay ni Ka Freddie. Tulad ng sinabi ko, labas ako sa issue kung saan ipaparada ng mga ka­patid kong lalaki ang mga ari nila. Hindi yang 16 year old na yan ang nauna sa buhay ng kapatid ko at hindi rin siya ang huli. Hindi ako naniniwala na kaya siya pinakasalan ng kuya ko e dahil mahal siya. Ang totoo pinakasalan siya dahil natakot makulong ang kapatid ko!  PERO KUNG PAKIKITAAN NIYA NG MASAMANG UGALI ANG MGA PAMANGKIN KO, _____NIYA AT AMA NIYA - AKO ANG BABANGGA SA KANYA! PWEH!”

 

Pakikiramay…

Nakikiramay ako sa mga naulila ng PM co­lum­nist na si Ernie Pecho. Nakaburol ang labi ni Ernie sa Funeraria Nacional sa Araneta Ave­nue, Quezon City.

Inaayos pa ang labi ni Ernie nang pumunta ako sa Funeraria Nacional noong Lunes pero na­ro­roon na ang kanyang mga kapatid na naulila niya.

Sa Miyerkules ang cremation sa labi ni Ernie na plano na ilagay sa simbahan ng San Miguel, Manila.

Sumakabilang-buhay si Ernie noong Linggo sa Quezon City General Hospital dahil sa kum­plikasyon na bunga ng kanyang diabetes.

Maraming salamat kina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Quezon City District 5 House Representative Alfred Vargas, Emmie Velarde, Marinel Cruz at si­yempre, kay Salve Asis. Sa mga nagbigay ng tulong lalo na kay Papa Miguel Belmonte, Papa Ricky Lo, Mama Ethel Ramos at marami pang ibang nagpaabot ng abuloy. Ganun din kay Sen. Lito Lapid.

 

Ryzza Mae early bird sa PEP list awards

Thankful ang PEP sa GMA 7 dahil  napaaga ang presscon kahapon ng Niño para makadalo sa The Pep List Awards ang entertainment writers.

Ang Niño ang bagong primetime drama series ng Kapuso Network na papalit sa Carmela na magtatapos sa Biyernes.

Nagkataon na magkasabay na magkasabay ang oras ng presscon ng Niño at ng PEP List Awards. Nag-give way ang GMA 7 para makadalo sa awards night ng PEP ang mga invited reporter.

Medyo may kalayuan ang venue ng PEP List  Awards dahil ginanap ito sa Solaire Resort and Casino. Nag-provide ng mga service van ang PEP kaya hatid –sundo ang mga reporter na umapir kagabi sa star-studded event ng  Philippine Entertainment Portal.

As usual, early bird sa PEP List Awards si Ryzza Mae Dizon na pinarangalan bilang Most Popular Child Star. Si Ryzza Mae rin ang pinakamaagang dumating sa presscon ng Most Beautiful ng YES! noong 2013.

Tandang-tanda ko ang buong pangyayari dahil nagsalita ako sa open forum. Tinanong ko ang mga nameless star na super late na dumating eh hindi naman sila kasing-busy ni Ryzza. Kung sino pa ang mga sikat, sila pa ang nagpakita ng professionalism!

Show comments