Mommy ng child star naka-take 27 sa shooting ng commercial, staff sumuko dinub na lang

MANILA, Philippines - Naka-take 27 pala ang nanay ng isang batang sikat ngayon nang mag-shoot silang mag-ina ng commercial.

Hindi raw talaga ma-perfect ng mommy ni childstar ang kani­lang eksena. Kaya sumuko na raw ang production at nag-decide na i-dub na lang si mommy dahil pagod na rin sila sa kaka-retake.

Samantalang ang childstar daw, walang ka-effort-effort sa sino-shoot nilang commercial. Take 1 lang, ayos na.

Dahil dubbing na lang, umeere na ang commercial ng mag-ina.

Kris nag-effort makita ang may sakit na si Derek

Nag-effort pala si Kris Aquino na dalawin si Derek Ramsay sa hospital na na-confine dahil sa pneumonia.

May dala pa si Kris na pasalubong sa Ka­pa­tid actor.

Nagpasalamat naman si Derek sa ginawa ni Kris. Da­ting nali-link ang dalawa. Pero mabilis nabura ang isyu dahil nag-deny agad si Derek na sinundan naman ni Kris. Tapos naudlot pa ang pagsasamahan sana nilang pelikula.

 â€œThank you so much @krisaquino214 for visiting and for the gift. It was very sweet of you. You and my folks surprised me,” pasasalamat ni Derek.

May meaning ba ang pagdalaw na ‘yun ni Kris?

Anne malaki ang kinita sa annekapal

Sulit naman pala ang ginawang effort at risk ni Anne Curtis sa kanyang AnneKapal concert na ginanap sa Araneta Coliseum last weekend kung saan siya tumambling-tumbling sa ere.

Malaki pala ang kinita ng Concert Sweetheart sa nasabing concert dahil sa rami nang sponsors.

Ayaw ibigay ang exact figure ng source ko, pero tagum­pay daw ang pagsabak ni Anne sa pakikipag-co-produced sa kanyang second major concert.

ABS-CBN at NHK ng Japan nagsanib para sa happy surprise

Nakipagsanib-puwersa ang ABS-CBN sa public broadcaster ng Japan na NHK para itampok ang kwento ng isang sikat na Fi­lipino-Japanese sumo wrestler at ang kanyang pamilya sa Rated K na ipapalabas sa darating na Sunday, Mayo 25.

Ito ang kauna-unahang proyekto  ng ABS-CBN at NHK sa ilalim ng co-production venture sa pagitan ng dalawang kumpan­ya.

Sa naturang Rated K segment na hango sa programang Happy Surprise ng NHK, sosorpresahin ng sikat na Filipino-Japanese sumo wrestler na si Masunoyama ang kanyang inang Pinay na si Maria Christine para pasalamatan ito sa lahat ng pagsasakripisyo sa pagpapalaki sa kanya - sa kanilang magkakapatid.

Sa pag-aakalang itatampok lamang ng Rated K anchor na si Korina Sanchez ang mga Pinoy na nakatira sa Japan, mag-iikot si Maria Christine kasama si Korina sa iba’t ibang sikat na tourist attractions sa Tokyo. Sa gitna ng panayam niya kay Korina, biglang gugulatin siya ng isang flash mob na pangungunahan ni Masunoyama kasama ang kanyang kapwa sumo wrestlers na ikatutuwa at magpapaiyak kay Maria Christine.

Ipapalabas din ngayong buwan ang segment na ito sa Happy Surprise sa Japan.

Ang Happy Surprise ay isang programa ng NHK kung saan sinosorpresa ang mga taong may nakaka-inspire na kwento at karapat-dapat na handugan ng isang espesyal na sorpresa. Isang Pinay nurse na nag-top sa board exam sa Japan ang unang na-feature sa Happy Surprise.

Ayon sa ABS-CBN business unit head na si Linggit Tan, magiging daan ang partnership na ito para mas lumawak pa ang masakop ng ABS-CBN sa Asian market.

“Gusto nating mag-expand at mag-explore pa ng ibang magagawa para sa TV at mga Pinoy. Nagkaroon na tayo ng co-productions sa Malaysia kung saan sikat na sina Jericho Rosales at Gerald Anderson. May foreign TV networks na rin ang bumili at inere ang shows natin sa ibang bansa. Pero gusto nating makapasok sa Japan at makipag-partner sa kanila,” pahayag ni Linggit.

“Dahil nga public broadcaster ang NHK, gusto rin nilang i-showcase ang kultura ng Japan at ipakita ang appreciation nila para sa mga Pinoy,” dagdag niya.

Itinuturing naman ng NHK na makasaysayan ang partnership nito sa ABS-CBN lalo pa’t ito rin ang unang pagkakataong nakipagsanib-puwersa sila sa isang foreign media company.

Ayon sa mga representative ng Japanese station, bilib sila sa mga programa ng Kapamilya Network at alam nilang makaka-relate ang mga Pinoy at Hapon sa pagpapalabas sa programang Happy Surprise.

 Nauna nang itinampok ng Happy Surprise si Ivy Beldad, isang Pinay nurse na nakapasa sa licensure exam sa Japan at ang kauna-unahang dayuhan at Pinoy na sinorpresa sa programa. Malapit na ring mapanood ang kwento ng kanyang buhay sa  Maalaala Mo Kaya.

Show comments