Vice Ganda sa ex: 'Forever ko siyang magiging friend'

MANILA, Philippines –  “We are separated but we are never apart.”

Ito ang sinabi ng komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang dating kasintahan at sa kalagayan niya ngayon.

Sinabi ng “It's Showtime” host sa kanyang panayam sa “The Buzz” ng ABS-CBN na kahit hiwalay na sila ay nananatili silang mabuting magkaibigan.

Kaugnay na balita: Vice Ganda inasahan ang paghihiwalay nila ng dyowa

“We are separated but we are never apart. Forever ko siyang magiging friend. Mabuting tao kasi yun.”

Dagdag niya na nais niyang magkaroon ng masayang buhay ang kanyang dating dyowa kung saan nakikita niyang mas sasaya ito.

“Kaya namin pareho dahil para kaming matalik na magkaibigan. Para sa kanya rin (yung breakup), para maexplore niya yung life niya, marami siyang magawa,” sabi ni Vice. “I believe the only way to keep him is to let him go.”

Kaugnay na balita: Vice sa dyowa: ‘Mambabae ka, mag-asawa ka’

Sa huli ay umaasa si Vice na maging masaya ang dati niyang dyowa na hindi kailanman niya pinangalanan.

“I wish him luck. Gusto ko siyang maging masaya sa habang-buhay... Ang dami niya kasing plano. Ang dami niyang gustong puntahan, ang dami niyang gustong kilalanin na mas magagawa niya yun dahil malayang-malaya na siya, malayang-malaya na kami pareho.” wika ng komedyante.

“Habang buhay ko siyang panonooring umaangat habang buhay akong papalakpak habang umaangat siya.”

Show comments