^

PSN Showbiz

Pauleen inaming tinalakan ng ex ni Vic

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mas masarap interbyuhin si Pauleen Luna nga­yon dahil lahat sinasagot at pati controversial issue, nakekeri nitong sagutin. Kaya masaya ang press na pumunta sa last taping day ng The Borrowed Wife dahil sinagot nito ang mga tanong pati ‘yung isyu kay Angela Luz.

Nagalit daw kay Pauleen si Angela nang i-post niya ang pictures ng mga anak ni Vic Sotto kasama si Paulina, anak ni Angela. Sabi ni Pauleen, ni­re­respeto niya ang opinion ng iba, good or bad at hindi niya ipinipilit ang sarili na gustuhin ng ibang tao.

“Vic knows na ‘di ko talaga palalakihin ang isyu at alam niyang maiintindihan ko at iintindihin ko. I’ve met Paulina, walang isnabang nangyari, she’s very nice. It’s not an issue for me even before ‘di na­ging isyu dahil mataas ang respeto ko sa family nila,” paliwanag ni Pauleen.

Pati ang paulit-ulit na tanong kung kailan sila pakakasal ni Vic Sotto, wala ring sawang sinasagot ni Pauleen. Hindi pa sila magpapakasal at hindi pa nga nagpo-propose si Vic. Ipinakita nito ang daliri na wala pang suot na engagement ring at na­nga­kong hindi itatago ‘pag may proposal na at may engagement ring na siya.                                                                        

Samantala, bukod sa karakter niyang si Tessa, ang friendship na nabuo sa cast ng The Borrowed Wife lalo na sa female co-stars ang nagpapalungkot sa kanya. Luma­la­bas sila nina Camille Prats, Yayo Aguila at Sherilyn Tan at magkakasamang nagsu-Zumba.

Derek naospital sa sobrang pagod

Naospital si Derek Ramsay last Sunday dahil sa over fatigue at baka naka-confine pa rin siya sa Asian Hospital hanggang ngayon. Paano naman, five days dIre-dIretso ang trabaho nito mula sa pictorial para sa promo ng The Amazing Race ng TV5, event ng Dunkin’ Donuts, event ng TV5 sa Subic at shooting ng Viva Films movie na My Trophy Wife.

Habang nasa ospital, may isyung lumabas kay Derek na magre-retire na raw ito, pero sabi ng ma­nager nitong si Jojie Ding­cong, baka nagsesenti lang that time na nakausap ng press ang aktor. May nakausap daw itong co-actor na nabanggit na nanghihinayang siya sa time na hindi nakakasama ang parents. Naka-relate si Derek dahil kulang ang naibibigay niyang time sa parents niya na pareho nang matanda.

Pero wala pang balak mag-retire sa showbiz in the near future ni Derek lalo’t marami pa siyang nakatakdang gawin. Bukod sa The Amazing Race, may gagawin pa siyang soap sa TV5 at sure na ire-renew ang kontrata once mag-expire sa March 2015.

Aalamin pala namin kung natuloy si Kris Aquino na dalawin si Derek sa hospital kahapon. Kahit twice nang hindi natuloy ang pagtatambal sa pelikula ng dalawa, nananatili silang magkaibigan.

Batang Yagit ibabalik

Ibabalik ng GMA7 ang hit TV series na Mga Batang Yagit na sumikat noon. Wala pang ibang detalye tungkol dito dahil may nationwide search pa para sa mga magbibidang bata.

Ang tiyak pa lang, si Gina Alajar ang magdidirek at ito yata ang ipapalit sa Villa Quintana.

Ang alam din namin, may love team na ibabalik sa show ang GMA7, hindi lang kami tiyak kung nakausap na ang dalawa at kung tatanggapin nila ang offer. Si aktres, matagal nang hindi gumagawa ng TV show at si aktor ay walang regular show at naggi-guest lang. Sikat silang TV love team dati at may fans pa.

AiAi kakausapin si Dennis para ipa-try ang bagong sikip niyang ‘flower’

Lalong sasaya ang 1st PEP List Awards mamaya sa Solaire Resort and Casino dahil muling magkikita sina AiAi delas Alas at Dennis Trillo. Sina AiAi at Cong. Lucy Torres ang hosts ng events at awardee ang aktor dahil ang TomDen love team nila ni Tom Rod­riguez ang nanalong Love Team of the Year.

Sa presscon ni AiAi ng FemiLift, first choice niya si Dennis na mag-try sa prosesong ipinagawa niya sa Belo. Crush at gustung-gusto raw niya ang aktor, tingnan natin kung masasabi ito ni AiAi sa harap ni Dennis at ng audience!

 

AMAZING RACE

BORROWED WIFE

DAHIL

DEREK

PAULEEN

SHY

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with