Ara Mina naiinis ‘pag tinatanong sa pagbubuntis

PIK: Bukod sa isyung pagka-casino ni Willie Revillame, sinagot din niya ang napabalitang pagpapakasal ng dati niyang asawang si Liz Almoro kay Victor Aliwalas.

Hindi raw niya alam ang tungkol sa kasal, kaya nabigla rin ito nang tinanong ito sa kanya nung nag-guest ito sa Startalk.

Masaya naman daw siya sa dating asawa, kaya “best wishes” din ang mensahe niya para kay Liz.

Wala naman daw silang problema pagdating sa kanilang anak, pero hindi pa niya ito nakakasama dahil nasa Amerika pa ito.

Ayaw na rin daw umasa ni Willie na magpakasal pa siya dahil pagkatapos ng dalawang failed marriage niya, gusto raw sana niyang ito na talaga ang panghabang buhay kung sakaling may makita siyang babaeng pakakasalan.

PAK: Muntik nang mag-walk out si Ara Mina sa event ng Tanduay nung nakaraang Sabado ng gabi dahil kinulit ito ng mga reporter na interbyuhin tungkol sa pagbubuntis niya.

Ayaw niya talagang magsalita tungkol sa kanyang pagbubuntis uli dahil napakaaga pa raw para pag-usapan dahil gusto raw muna niyang matiyak na okay na ang kalagayan ng ipinagbubuntis niya dahil natatakot na raw siyang makunan na naman.

Kaya pinag-iingat siya nang husto at kung wala siyang natanguang commitment, sa bahay lang ito nagpapahinga.

Ang tsikang nakarating sa amin, naglilihi pa raw si Ara, at gatas daw ang pinaglilihian nito.

BOOM: Ayaw nang patulan ng kampo ni Raymart  Santiago ang huling statement na ipina­dala ng abogado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdie Topacio tungkol sa isyung pag-alok ni Raymart ng suporta sa mga anak nila.

Sabi ni Atty. Topacio; “The statement of the camp of Mr. Raymart Santiago that they offered support but it was rejected, is pure unadulterated BS. There were no such offers at any time. If they are indeed serious, then we now demand support starting August 2013 up to the present at the rate which Mr. Santiago used to give before he left the conjugal abode, until such time that the court orders a different amount.

“We dare Mr. Santiago to put his money where his mouth is. In other words, put up or shut up.”

Ayaw nang sagutin ito ng abogado ni Raymart. Sabi ni Atty. Castelo, mas mabuting sa korte na raw iyun iparating nina Claudine.

 

Show comments