Coco nasusupladahan kay Ruffa
Nakakakilig ang tambalan nina Sarah GeroÂnimo at Coco Martin sa pelikulang Maybe This Time. Ang Maybe This Time ay isang love story tungkol sa dalawang tao na matututunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa kanilang mga sarili upang manaig ang pag-ibig sa kanilang buhay.
Nang tanungin si Coco kung paano ire-rate si Sarah from 1-10 sinabi nito na perfect 10 ang ibibigay niya sa singer-actress dahil magaling talaga itong umarte. Kahit anong eksena ay kayang-kaya niyang gawin ayon pa sa aktor.
Ang Maybe This Time ay sa direksyon ni Jerry Sineneng at sa panunulat nina Anton Santamaria at Melai Monge. Palabas na ito sa Mayo 28 mula sa Star Cinema at Viva Films.
Puro papuri rin ang sinabi ni Ruffa Gutierrez na kasama din sa Maybe This Time kung saan sinabing maganda ang rapport ng dalawa at super galing sa pag-arte.
“Parehong mas bata sa akin sina Sarah at Coco kaya nakaka-bagets ang feeling. Enjoy ako sa movie†anang aktres
Noong una akala ni Coco ay mataray si Ruffa pero napakabait pala nito kaya nag-enjoy din siyang makatrabaho ito.
Personal
Pasasalamat sa magandang doktora na si Svethlana Maguslog ng Chinese General Hospital na malaki ang naitulong sa pagkakasakit ko. Si Dra. Maguslog ay isang magaling na pulmonary medicine fellow na nagtetraining sa CGH.
- Latest