^

PSN Showbiz

Raymart binasag na ang katahimikan: Wala na raw natitira ni katiting na pagmamahal kay Claudine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ng Rhodora X ay itutuloy na raw talaga ni Yasmien Kurdi ang pagpapaopera sa lalamunan niya.

Ipatatanggal niya ang cyst na tumubo sa lalamunan niya dahil parang lumalala raw ito.

Kapag napupuyat siya sa taping ng Rhodora X ay namamalat na siya agad, kaya dapat na ipatanggal na raw niya ito.

Pati ang boses niya ay naapektuhan, kaya gusto na niyang matanggal ang cyst dahil balak pa naman daw niyang mag-record ng album.

PAK: Namataan ng aming source sa Quezon City RTC ang sikat na young actor na dumalo sa isang hearing doon.

Nagtataka raw siya kung bakit ipinatawag ito sa hearing ng kasong Anti-Violence Against Women and Children.

Hindi lang tiyak ng aming source kung itong si young actor ang kinasuhan o baka pinatawag lang siya bilang witness.

Kaya ayaw muna niyang ipasulat kung sino itong young actor dahil aalamin pa raw niya ang buong detalye ng kaso.

BOOM: Deretsahang sinabi ni Raymart Santiago sa exclusive interview sa kanya sa Startalk na wala na siyang pagmamahal kay Claudine Barretto.

Ang naiwang pagmamahal daw ay para sa kanilang mga anak na sina Sabina at Santino, at niri-recognize naman daw niyang si Claudine ang ina ng kanilang mga anak.

Nang sinundan siya ng tanong ni Manay Lolit kung may pag-asa pa bang magka-ayos sila ni Claudine at posibleng magkabalikan.

Sagot ng aktor; “Sa ngayon po, nagsisinungaling naman ako kung sasabihin ko sa inyo na may pag-asa pa. Eh wala na talaga.

 â€œKung ako ang tatanungin n’yo, wala na talaga akong nararamdaman. Siguro sa rami nang sakit na binabato sa akin, marami pang masyadong nasaktang tao.”

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DERETSAHANG

IPATATANGGAL

MANAY LOLIT

QUEZON CITY

RAYMART SANTIAGO

RHODORA X

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with