^

PSN Showbiz

Sam ipinagtulakan ng handler para hindi pagkaguluhan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen :  Halos itulak si Sam Milby ng kanyang handler habang papalabas sila sa green gate ng Smart Araneta Coliseum noong Biyernes matapos panoorin ang concert ni Anne Curtis upang hindi siya pagkaguluhan ng mga tao.

Katawa-tawa ang handler ni Sam dahil hindi naman pinagkaguluhan o pinansin ng tao ang aktor. Spell OVER ACTING!

Scene : High na high si Anne Curtis sa gabi ng concert niya dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga nanood.  

Seen : Umuwi ng Pilipinas ang mga kamag-anak ni Anne Curtis sa Australia para panoorin ang Annekapal.

Teary-eyed si Anne nang kantahin nito ang Wind Beneath My Wings, ang belated Mother’s Day song niya para sa kanyang ina na sumabay sa pagkanta.

Scene : Pumalakpak ang kanyang anak na si Nate nang kantahin ni Regine Velasquez sa Annekapal ang God Gave Me You.

Special guest si Regine sa concert ni Anne.

Seen : Ibabalik ng ABS-CBN sa susunod na buwan ang Ipaglaban Mo,  ang legal drama series ng father and son team nina Atty. Jose Sison at Atty.  Jopet Sison.

Scene : Ang pag-amin ni Mark Anthony Fernandez  na hindi siya nagpunta sa burol at libing ni Marie Fernandez dahil may away sila ng anak nito.

Si Marie ang nakababatang kapatid ni Rudy Fernandez, ang ama ni Mark. Si Marie ang author ng libro tungkol sa life story ni Rudy.

Seen : London ang pangalan ng second baby ni Geneva Cruz na isinilang nito noong May12. Baby girl si Baby London, hindi lalaki.

Scene : Magbabalik ngayon sa The Buzz si Kris Aquino bilang co-host ni Boy Abunda.

Sabado na lang ang day off ni Kris sa TV dahil napapanood siya sa telebisyon mula Linggo hanggang Biyernes.

ANNE CURTIS

ANNEKAPAL

BABY LONDON

BIYERNES

BOY ABUNDA

GENEVA CRUZ

GOD GAVE ME YOU

SI MARIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with