Ruru Madrid at Ashley Nordstrom, maagang naging ama at ina

MANILA, Philippines - Ano ang tamang edad para maging isang magulang? Mas­yado bang bata ang 12? 13?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, ibabahagi ni Ms. Mel Tiangco ang kuwento ng dalawang kabataang maagang namulat sa kamunduhan…at maaga ring naging mga magulang. Dalawang batang hindi alam ang responsibilidad na hihingin sa kanila ng pagkakaroon ng isang anak.

Sa patuloy nang pagdami ng paraan para maka-access ang mga bata ng porn, paano nga ba pipigilan ng mga na­ka­tatanda... ng mga naka­a­alam... ang kabataan tungkol sa dangers of sex? Paano nila ipapaalam ang responsibilities na kaakibat ng unprotected sex... ng unwanted pregnancy... ng pagiging isang batang magulang?

Ito ang mga katanungang ta­ta­­la­kayin ng Magpakailanman nga­yong Sabado, sa episode na pina­magatang Tatay na si Totoy, Nanay na si Nene, featuring Ruru Madrid and Ashley Nordstrom.

Kasama rin sina Raymond Bagatsing, Ryza Cenon, Melissa de Leon, at Nicole Dullalia; sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph, sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.

 Huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (May17), pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

Show comments