Coco matagal pinangarap makasama si Sarah

May common grounds sa pagitan ng dalawang bida ng Maybe This Time na sina Sarah Geronimo at Coco Martin dahil pareho silang simple, humble, at mapagmahal sa pamilya, kaya madali silang nag-click nung kanilang simulan ang shoot ng pelikula na dinirek ni Jerry Sineneng at co-production ng Star Cinema at Viva Films.

Inamin ni Coco na isa umano si Sarah sa pinapangarap niyang makatambal at ito’y nagkatotoo nang gawin nila ang Maybe This Time. Sobra ang papuri ng drama prince sa kanyang kapareha na kung hindi lang siguro ito ‘taken’ ay posible siyang mainlab dito la­lupa’t matagal-tagal na ring panahon siyang loveless dahil naka-focus ang kan­yang attention sa kanyang career.

Sinabi rin ni Coco na revelation umano si Sarah, who plays the role of Steph Asuncion in the movie at si Coco naman ay si Tonio Bagayong. Kung effective si Sarah sa mga rom-com movies, may mga dramatic na eksena sa pelikulang ito, at magaling umano ang pop princess dito. Kung mabibigyan ng project si Sarah na drama ang tema ay kaya nitong dalhin. Ang problema lamang, Sarah only makes one movie a year dahil sa kanyang pagiging busy sa kanyang singing career at concert performances here and abroad.

Pagdating sa kanyang love life, marunong pa rin sumulag si Sarah lalupa’t naroon sa presscon ang kanyang Mommy Divine. Pero ibinuko ni Coco ang kanyang leading-lady na madalas may ka-text. Si Matteo Guidicelli kaya `yon, Salve A.?

Mga anak ni Ruffa gustung-gusto na uli ng bagong daddy

Si Ruffa Gutierrez, who plays the role of Monica, boss ni Steph ang magiging ka-love triangle nina Sarah at Coco in the movie.

Kasamang dumalo sa grand press­con ng Maybe This Time na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ang dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice na madalas sumigaw ng “We love you, Mommy” each time sumasagot ang kanilang mommy sa mga ibinabatong tanong ng entertainment media. As always, very articulate si Ruffa sa kanyang mga sagot which made her two daughters very proud of their mom. Idiniin din ng ex-wife ng Turkish businessman na si Ylmaz Bektas na “Maybe this time, I’m ready to fall in love,” bagay na pinalakpakan ng kanyang dalawang anak. Meaning, okey na sa kanila na muling magkaroon ng bagong pag-ibig ang kanilang mommy.

Ruffa was last seen sa mega hit movie ni Vice Ganda na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na tinampukan din ni Maricel Soriano at naging kalahok sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Matagal-tagal na ring walang regular show sa TV si Ruffa, ganundin ang kanyang nakababatang kapatid na si Richard Gutierrez.

Samantala, ibinalita ni Ruffa na matutunghayan na umano sa June 1 ang six-part ng family reality show ng Gutierrez family na It Takes Gutz to be a Gutierrez na mapapanood sa E! Channel.

Kuya Germs apektado sa pagkawala ni Mama Nene

Nagpapasalamat ang Master Showman na si German (Kuya Germs) Moreno sa GMA manage­ment at kay Direk Marjo J. delos Reyes dahil kabilang siya sa bagong magsisimulang serye sa Kapuso Network, ang Niño. Pinagbibidahan ito ni Miguel Tanfelix kasama ang child star na si David Remo.

Papel ng isang mabait na barangay captain ng Barrio Pag-asa ang role na ginagampanan ni Kuya Germs. Kahit meron siyang bagong TV series, na­riyan pa rin ang kanyang daily radio program sa DZBB at ang kanyang long-running late night show na Walang Tulugan with the Master Showman na kinabibilangan ng mga upcoming young stars na kanyang tinutulungan at hinuhubog para maging major stars balang araw. Tulad na lang ng kanyang ginawa noon sa That’s Entertainment at GMA Supershow na pinagmulan ng malalaking stars ng bansa ngayon.

Samantala, isa si Kuya Germs sa naapektuhan nang husto matapos sumakabilang-buhay ng Sampaguita Pictures matriarch na si Mama Ne­ne Vera-Perez (97) nung nakaraang May 14 ng umaga. Siya kasi ang nagsilbing second mother ni Kuya Germs at itinuturing na kapamilya ng Vera-Perez family.

Show comments