Sexy actress mas matino ang buhay kahit walang kasal sa kinakasama

Nakaiwas sa intriga ang sexy actress (SA1) na nag-comment ng “mas ma­tino kasi ako kesa doon” sa pagkukumpara ng press sa relasyon nila ng ka-live in at sa relasyon ng brother-in-law at ex-wife nitong singer-actress (SA2). Kung narinig ng press ang reaction nito, siguradong nag-react si SA1.

Kahit pabiro ang sagot ni SA1, puwede at kayang patulan ito ni SA2 lalo’t kilala itong patulera at dahil hindi naman sila close ng ex-sis-in-law, tiyak na magkaka-isyu sila. Mabuti na lang at mahina ang pagkakasabi ni SA1, konti lang ang nakarinig at sinundan pa ng tawa, kaya inakalang nagbibiro ito.

Sabagay, totoo ang tinuran ni SA1 na mas matino siya kesa kay SA2 consi­dering na hindi pa sila kasal ng live-in partner niya. Sina SA2 at ex-husband nito ay kasal, pero naghiwalay din at hindi maganda ang paghihiwalay.

Show ni Ryan pinahaba

Extended for one month ang Picture! Picture! ni Ryan Agoncillo, kaya hindi muna itinuloy ang scheduled meeting nito with GMA7 management para sa sitcom na pagtatambalan nila ni Carla Abellana. Umalis din kasi si Carla for Cambodia kasama sina Andrea Torres at Mikael Daez.

Ipagpapaalam ni Ryan kay Mr. Tony Tuviera ng Eat Bulaga  ang sitom  ng GMA 7 ang gagawin  bago ang sitcom na ipoprodyus sana ni Mr. T at ipalalabas sa TV5.

Bagong tambalan itong Ryan-Carla na kung hindi kami nagkakamali, ay gaganap na mag-asawa sa Ismol Family at anak nila si Marc Justine Alvarez. Si Dominic Zapata ang director ng sitcom na every Saturday ang time slot.

Direk Sineneng namanhid ang katawan kina Coco at Sarah

Ikinuwento ni director Jerry Lopez Sineneng na namanhid ang katawan niya at kinabahan nang husto nung malamang siya ang napili ng Star Cinema na magdirek ng Maybe This Time, dahil matagal na siyang hindi gumagawa ng love story.

Honored si Direk Jerry na gawin ang pelikula dahil marami ang first sa movie at maganda ang story na siguradong tatatak sa moviegoers ang mga dialogue nito. Idagdag pang kasama ito sa 20th anniversary presentation ng Star Cinema at showing sa May 28.

Ipina-describe kay Direk Jerry ang chemistry nina Coco Martin at Sarah Geronio, at heto ang sabi niya: “Ang hirap i-define ng chemistry nila, kusa lang dumarating at nakita na lang once we started shooting. Physically, pasok talaga ang chemistry nila, ang bilis lumabas at ang lakas ng chemistry nila.”  

Excited din si director Jerry to be working with Ruffa Gutierrez na sa una, inakala niyang mataray, pero mabait daw pala at masarap ka­trabaho.

Miguel mas idolo si Pen

Super excited na ang teen actor na si Miguel Tanfelix sa pagsisimula ng airing ng family drama series na Niño sa May 26. Ang young actor ang bida at kasama niya ang child actor na si David Remo sa role na kanyang tukayo at incarnate ni Sto. Niño.  

Ang karakter ni Niño ay isang 15 years old na may pag-iisip ng isang 7-year old. Dahil challenging ang role, naghanda nang husto si Miguel at bukod sa workshops, pinayuhan din siya ng manager niyang si director Maryo J. delos Reyes na panoorin ang pelikulang I Am Sam ni Sean Penn.

 â€œMahirap ang role ko as Niño, kilos bata pati sa pag-iisip mabagal ang pick-up at nag-i-stutter pang magsalita. Pasalamat ako na inaalalayan ako ni Direk Maryo,” sabi ni Miguel.

Nakakatuwa si Miguel dahil kahit gustong ang career nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ang sundan, si Pen Medina ang favorite nito at gustong gayahin sa acting dahil magaling daw na aktor.

Matapos maurong ng dalawang beses, movie ni Richard sa July na ipalalabas

Matutuwa nito ang fans ni Richard Gutierrez na matagal siyang nami-miss sa movies, dahil in-announce ni Lauren Young, kapareha ng aktor sa GMA Films movie, na showing na ang pelikula nila sometime in July.

Ang wish ng fans ni Richard, hindi na baguhin ang playdate ng movie na twice na yatang nabago. Tapos na ang movie sa direction ni Wincy Ong at sabi ng isang taga-GMA Films, hinahanapan lang nila ng tamang playdate.

 

Show comments