Muntik na naman palang mag-miscarry si Ara Mina. Dapat siguro ay magpakasal na sila ng nobyo niya para mapuno ng blessing ang pagdadalantao niya.
Makakadalawa na sila pero wala pang marriage plans? Meron ba silang problema rito? Kung wala naman ay ano pa ang hinihintay nila?
RJ Jacinto mas gumaling kung kailan nagkakaedad
Bilib ako rito kay RJ Jacinto. Akalain mong matagal nang nagsipagretiro ang mga kapwa niya nagbabanda at nakalaban niyang mahigpit nung 60s, pero heto siya at aktibung-aktibo pa rin kasama ang kanyang electric guitar sa pagtugtog ng rock and roll hindi lamang sa sarili niyang cable channel kundi maging sa mga lounges and music bars.
At sa malas, habang nagkakaedad lalong humuhusay sa kanyang gitara ang matagumpay ding negosyante. Play on, RJ!
AiAi malaki ang tsansa sa pulitika, mga botante naghahanap ng bago
Tuloy na talaga ang pagkandidato ni AiAi delas Alas. Aba eh ipagpatuloy niya! Sa pagkakalagay ng maraming pangalan ng ating mga senador, kongresista, at maging ng ilang tao sa gabinete sa listahan ni Napoles, maghahanap na naman ng mga bagong iluluklok ang mga botante sa 2016.
Pagkakataon na ito ng mga may ambisyon, na sana ay maging matino naman, to seek public office. A good luck sa kanila, sa atin din!