Mikael Daez, Andrea Torres at Carla Abellana, rumampa sa Cambodia

MANILA, Philippines - Bibisitahin ng mga Kapuso stars na sina Mikael Daez, Andrea Torres at Carla Abellana ang kanilang fans sa Phnom Penh, Cambodia sa pamamagitan ng ikalawang Cambodia Star Tour ngayong buwan ng Mayo.

Ang Cambodia Star Tour ay isang proyekto ng GMA Worldwide, Inc. (GWI) ang content acquisition and distribution arm ng GMA Network, at ng nangungunang TV network sa Cambodia, ang Cambodia Broadcasting Service (CTN).

Magkakaroon ng television guesting ang tatlong Kapuso artists sa The CTN 21 Talk Show, ang number one talk show sa Cambodia.

Makikibahagi rin sila sa isang charity concert kasama ang iba pang foreign artists sa Chenla Theater bilang pagbibigay pugay at pag­diriwang ng kaarawan ni King Norodom Sihamoni ng Cambodia sa May 15. Maghahatid ng isang song number si Mikael at An­drea habang si Carla naman ay gaganap bilang host sa isang segment ng concert. Ang Kantha Bopha Hospital ang magiging benefi­ciary ng nasabing concert.

Magkakaroon din ng meet and greet ang Kapuso artists kasama ang kanilang mga ta­ga­hanga sa isang mall show sa Sorya Shopping Center sa May 16.

Ito ang unang pagkakataon ni Andrea na sumali sa Cambodian Star Tour habang pangalawang pagkakataon naman ito nina Carla at Mikael. Si Mikael at Carla ay unang naimbita bilang mga kinatawan ng GMA sa 10th Anniversary ng CTN noong March 2013.

Simula 2008, naging kaakibat ng GMA sa pamamagitan ng subsidiary nito na GMA Worldwide, Inc. ang CTN upang maipakita ang mga programa ng Kapuso Network sa mas maraming manonood sa rehiyon. Ang mga Kapuso dramas tulad ng Losing Heaven (Kung Aagawin Mo Ang Langit), Amaya, at My Beloved ay ilan lamang sa mga programang Pinoy na kinaaliwan sa Cambodia.

Kabilang sa mga panibagong programa ng GMA na mapapanood sa CTN ngayong 2014 ay ang Temptation of Wife, Forever, Magdalena, at Sana Ay Ikaw Na Nga. 

 

Show comments