Ikinasal sa pangalawang pagkakataon si Liz Almoro, ang ex-wife ni Willie Revillame. Actually, dalawang beses na ikinasal sina Willie at Liz. Nagkaroon muna sila ng civil wedding noong 2005 at si Batangas Governor Vilma Santos na mayor pa lamang noon ang nagkasal sa kanila. Hindi nagtagal, muling nagpakasal sina Liz at Willie sa simbahan pero hindi naging forever ang kanilang pagsasama.
Ang GMA 7 actor na si Victor Aliwalas ang lalaki na pinakasalan ni Liz at hindi nailihim ang kanilang pag-iisang dibdib dahil mabilis na kumalat ang wedding photos nila.
Lumabas din sa Facebook ang mga litrato ng engagement nina Liz at Victor na kuha ng Nice Print Photo na in demand na in demand sa mga nagpaplano na magpakasal.
Magaganda naman kasi ang mga concept ng Nice Print Photo kaya popular sila sa mga celebrity. Ang litrato na nasa beach sina Liz at Victor, kasama si Juame ang isa sa mga picture na nakita ko.
Siyempre, abay sa kasal ng dalawa si Juame, ang anak ni Liz kay Willie. I’m sure, alam ni Willie ang muling pagpapakasal ng kanyang ex-wife dahil may communication sila. Madalas na ipinapahiram ni Liz kay Willie si Juame at alam ko ito dahil nakasama ko ang bagets nang bisitahin namin ni Willie ang Wil Tower Mall noong under construction pa ito.
Lumaki sa ibang bansa si Victor na umuwi ng Pilipinas para i-pursue ang kanyang showbiz career. Leading man material si Victor pero naging sagabal sa career niya ang kanyang American accent. Lumalabas pa rin siya sa mga teleÂserye ng GMA 7 bilang kaibigan ng mga bidang lalake, doktor at office executive.
Anne todong-todo sa annekapal, tsismis na hiwalayan nila ni Erwan Dinedma
Tonight na ang AnneKapal, ang most awaited major concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum.
Parang kailan lang nang magkaroon ng big presscon sa Discovery Suites ang AnneKapal. Feel na feel ko ang excitement ni Anne dahil magkakaroon daw sila ng duet ng isang sikat na singer na hinahangaan niya.
Hindi sinabi ni Anne ang identity ng popular singer pero may kutob ang press na si Lea Salonga ang kanyang tinutukoy.
Sa totoo lang, clueless ako kung sino ang mga surprise guest ni Anne sa kanyang Forbidden Concert. Nabalitaan ko na may special participation si Luis Manzano dahil sa rehearsal picture nila na lumabas.
Co-producer si Anne ng Annekapal kaya itinodo na niya ang lahat ng kanyang talent sa mga production number na pinag-isipan at pinaghandaan. Ang sabi ni Anne, buwis-buhay ang kanyang mga production number dahil gustung-gusto ng audienÂce na parang nalalaglag siya sa stage habang nagpe-perform.
Tanggap ni Anne na hindi siya singer kaya ibubuhos niya sa performance at mga outfit na naÂkaÂkaloka ang kanyang concert.
Tiyak na panonoorin ni Erwan Heussaff ang Annekapal bilang suporta sa kanyang girlfriend.
Hindi believable ang tsismis na hiwalay na ang dalawa at lalong hindi papayag si Anne na gumimik para pag-usapan ang concert niya.
May boses si Erwan as in marunong ito na kumanta tulad ng kanyang kapatid na si Solenn. May mga kumukumbinsi kay Erwan na kumanta sa concert ni Anne pero natatandaan ko ang sinabi noon ni Anne na hindi pumayag ang kanyang dyoÂwa na umiiwas na masangkot sa mga showbiz controversy.