^

PSN Showbiz

Kapuso stars nag-ikot sa local festivals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Damang-dama ang pakikiisa ng GMA sa buong bansa sa katatapos lamang na buwan ng Abril dahil sa kabikabilang festivals na dinaluhan ng nagni­ningning nitong mga bituin sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Noong April 20, malugod na tinanggap ng mga taga-General Santos City ang homegrown Kapuso talent na si Jonalyn Viray kasama si Dion Ignacio ng Innamorata, at si Yasmien Kurdi ng Rhodora X sa isang Kapuso Mall show na idinaos sa KCC Mall of GenSan.

Isang Kapuso Barangayan na may kasamang meet and greet sa dancing pros na sina Rochelle Pangilinan at Julian Trono ang naganap sa Datu Elem Mohammad Plaza noong April 24 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hugyaw sa Kadagatan Festival ng munisipyo ng Kauswagan sa Lanao del Norte. Ito ay isang taunang thanksgiving festival ng mga tagaroon para sa isang masaganang ani ng mga yamang-dagat. Dumalo rin ang R&B singer na si Kris Lawrence para naman sa Miss Kauswagan pageant night sa municipal gymnasium.

Isang Kapuso Fiesta naman ang idinaos para sa Kabaybayonan Festival ng  Misamis Oriental kung saan nakapiling ng mga manonood sina Bela Padilla at Benjamin Alves sa Marvilla Beach Resort sa Opol noong April 25. Sa parehong araw din naman nakisaya sina Derrick Monasterio, Aicelle Santos, at Moymoy Palaboy kasama ang mga Ilokano sa isang Kapuso Night para sa Santa Town Fiesta ng Ilocos Sur.

Kinabukasan, April 26, isang Kapuso Mall Show ang ginanap sa Magic Mall Zambales tampok ang award-winning actor na si Dennis Trillo at ang Sunday All Stars regular na si Maricris Garcia.

Ang bida naman ng Rhodora X na si Jennylyn Mercado ay sinamahan ang nine-time platinum recording artist na si Julie Anne San Jose sa pagpupugay ng mga Bacoleño para sa Festival of New Saints ng Bacolod City. Samantala, sa Pangasinan, si Yasmien naman at ang Protégé male grand winner na si Jeric Gonzales ay nagpahanga sa kanilang fans sa Magic Mall Mangatarem.

Naging mainit din ang pagtanggap ng mga Bol-anon sa mga bida ng Rhodora X na sina Yasmien at Mark Herras sa idinaos na Kapuso Night sa CPG Sports Complex para sa Tagbilaran City Fiesta noong April 30. Noong gabi ring iyon ay nagtambal muli sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez mula sa phenomenal series na My Husband’s Lover sa isang Kapuso Fiesta sa EBJ Freedom Park ng San Jose de Buenavista para naman sa pagdiriwang ng Tiringbanay Festival ng Antique na talaga namang nagpakilig sa Antiqueño.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

BACOLOD CITY

BELA PADILLA

DENNIS TRILLO

ISANG

KAPUSO

KAPUSO NIGHT

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with