^

PSN Showbiz

ABS-CBN chairman Gabby Lopez pinarangalan ng lifetime achievement award

Kane Errol Choa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ng Lifetime Achievement Award si ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa katatapos lang na 22nd Golden Dove Awards para sa kanyang natatanging kontribusyon sa industriya ng pamamahayag.

Sa kanyang talumpati na binasa ng kanyang kapatid at CEO ng ABS-CBN Publishing na si Ernie Lopez, pinaliwanag ni Lopez kung paano sumasabay ang ABS-CBN sa mga pagbabagong dala ng digital age para lang mas mapaglingkuran ang mga manonood.

“Nagbago na ang aming mga consumer. May kapangyarihan na sila ngayon para mamili kung paano o kailan nila kami gustong panoorin. Kaya naman mula sa pagiging isang broadcast media company, kami ngayon ay naglalayong maging isang consu­mer company. Pinagdaraanan namin ang pagbabago dahil ito ang paraan para mas lalo kaming makapaglingkod sa mga Pilipino,” sabi ni Lopez.

Ibinahagi rin ni Lopez ang nakuhang karangalan sa likod ng ABS-CBN na pinaninindigan ang slogan ng network na “In the service of the Filipino”.

“Kami sa ABS-CBN ay naglilingkod sa bawat Pi­lipino. Diyan kami nagsimula at diyan din kami magtatapos. Alam ko na ano man ang gawin ng susunod na henerasyon ng mga Kapamilya, ito ay para mas mapabuti ang aming serbisyo. Hanggang may Pilipinong nangangailangan, nariyan kami para paglingkuran sila,” paliwanag niya.

Bukod sa parangal na binigay kay Lopez, nakakuha rin ang mga personalidad at programa ng ABS-CBN ng 24 Golden Dove awards kabilang ang Best TV Station award para sa ABS-CBN.

Wagi ang ABS-CBN sa television categories na kinabibilangan ng Best TV Sports Program para sa Sports Unlimited, Best TV Public Affairs Program para sa SOCO, Best TV Comedy Program para sa Goin Bulilit, Best TV Newscast Program para sa Umagang Kay Ganda, Best TV Variety Program para sa ASAP 19, Best TV Drama Program para sa Be Careful with My Heart, Best TV Public Affairs Program Host para kay Kim Atienza (Matang­lawin), Best TV Actress for Drama Program para kay Boots Anson-Roa sa kanyang papel sa MMK episode  na Kamison, Best TV Actor for Drama Program para kay Joel Torre para sa kanyang pagganap sa Honesto, at Best TV Station Promotional Material para sa Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko.

Umani rin ng awards ang ABS-CBN Regional Network Group tulad ng Best TV Culture and Arts Program para sa Pagtalubod sa Pagtubod: Mag TV Peñafrancia Special ng ABS-CBN Naga; Best TV Public Affairs Program-Provincial para sa Di­resto -  DYAF ng ABS-CBN Iloilo, Best TV Special Program para sa Agri Tayo Dito ng ABS-CBN Davao; Best TV Newscast Program – Provincial para sa TV Patrol Northern Luzon ng ABS-CBN Baguio, at Best TV Newscaster para kay Ryan Gamboa ng ABS-CBN Bacolod.

Samantala, namayagpag din ang ABS-CBN sa radio categories sa pamamagitan ng AM radio station nito na DZMM maging ng iba pa nitong regional stations. Nauwi ng Kapamilya Network ang  Best Radio Newscast Program – Manila award para sa Radyo Patrol Alas Dose, Best Radio Public Affairs Program – Manila para sa Pasada Sais Trenta,  Best Radio Public Affairs Program – Provincial para sa Bantay Bata DYAP ng ABS-CBN Palawan, Best Radio Newscaster para kay Julius Babao ng DZMM, Best Radio Public Affairs Program Host para kay Ted Failon sa programang Failon Ngayon DZMM, at Best Radio Magazine Program Host para kay Ariel Ureta sa Todo-Todo Walang Preno.                                                                        

ABS

BEST

CBN

DRAMA PROGRAM

KAY

LOPEZ

PARA

PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with