Direk Lino at asawa, inililihim ang gender ng magiging anak

Matatandaang pinakasalan ni Direk Lino Cayetano noong Disyembre ang Ateneo volleyball pla­yer na si Fille Cainglet. Ngayon ay nasanay na raw siya sa buhay may-asawa.

“I’m happy, very happy. In fact hindi lang kahit sa trabaho ko ngayon. Siyempre iba na ‘yung tayong mga nasa industriya, ‘yung personal nating buhay siyempre nakakaapekto ‘yan sa trabaho natin. Lalo na kami rito sa mga artista, mga direktor, mga manunulat, kung sino ka, nagiging napakalaking parte ng buhay mo, at saka paano mo ginagawa ‘yung trabaho mo. So even now I’m not just directing from a new pair of eyes, bilang isa na akong congressman, isang mambabatas but also because I’m now a married man,” paliwanag niya.

Ipinagbubuntis na ngayon ng misis ni Direk Lino ang kanilang kauna-unahang anak na nakatakdang isilang bago magtapos ang taon. Alam na raw ng mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang anak pero inililihim pa nila ito sa ngayon.

“Oo, alam na namin, so soon we’ll announce it but we’re very excited. I’m very excited. Mabuti si Fille, she’s as healthy and as normal as can be,” pagbabahagi ni Direk Lino.

Noong bago pa lamang daw magkarelasyon ang mag-asawa ay naramdaman kaagad niyang si Fille ang kanyang makakasama habambuhay kaya kahit ilang buwan pa lamang sila noon ay pinakasalan na niya ang volleyball player.

“We had a honeymoon wedding, very small wedding, pero ginawa naming out of town with family. Parang family only, so in that way na-enjoy rin namin ‘yun. It was just few months after Yolanda so we wanted a simple wedding, but also kahit paano since it’s a smaller wedding, we were able to do it out of town so parang all in one na the honeymoon and all,” kwento pa niya.

Samantala, muling magbabalik si Lino Cayetano sa pagdidirek ng teleserye sa telebisyon. Sa Susunod na buwan ay mapapanood na ang Ipaglaban Mo sa Kapamilya network na bagong programa ng direktor.

Jovit, gustong maging abogado

Kahit abala ay napagsasabay naman daw ni Jovit Baldivino ang trabaho bilang singer at ang kanyang pag-aaral. Second year college na ngayon si Jovit at kumukuha ng kursong BS Criminology dahil gusto raw niyang maging abogado balang araw.

“’Yun ‘yung isa sa mga pangarap ko. Kung hindi ako maging mechanical engineer, gusto ko mag-abogado,” bungad ni Jovit. Kung papalarin daw ang singer ay siya ang magiging kauna-unahang abogado sa kanilang pamilya.

“’Yung ninong ko, siya ang influence ko kasi parang sobrang bata siya naging lawyer. Isa siya sa pinakamagaling na lawyer dito sa Pilipinas,” pagbabahagi ng singer.

Ang ninong daw ni Jovit ang nag-suggest na kumuha siya ng pre-law course na criminology.  

Samantala, nag-a-acting workshop na rin ang singer bilang paghahanda kung sakaling makatanggap siya ng acting project.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments