Wildcard finalist na si John Raspado, kauna-unahang I am Pogay
MANILA, Philippines - Pinangalanang kauna-unahang grand winner ng I Am PoGay paÂgeant ang wildcard finalist na si John Raspado ng Baguio City sa grand finals nito noong Sabado (Mayo 10) sa It’s Showtime.
Nagwagi si John ng P300,000 na cash prize, at nasungkit din ang special Brusko ‘Day Award bilang ang finalist na pinaka-lalaki ang kilos at dating. Pinahanga niya ang mga hurado sa kanyang sagot sa question-and-answer portion kung saan tinanong ang lahat ng finalists kung ano ang ibig sabihin para sa kanila ng puti at blangkong litrato.
“It means rebirth. Para sa akin, maiuugnay ko sa buhay natin ito bilang isang canvass na puti, tapos tayo ‘yung magkukulay nun,†ani John.
Si Tian Lacsamana naman ang itinanghal na first runner-up at nag-uwi ng P200,000, habang si Oreo Gajasan ang second runner-up na may P100,000.
Samantala, P50,000 ang napanalunan nina Sycris Brown at Ton Villareal, na runners-up bilang bahagi ng Top 5. Si Sycris din ang nagwagi ng Kumu-Couture o Best in Formal Wear Award at si Ton naman ang nakakuha ng Beksfriend o Friendship Award.
Hindi man nakapasok sa Top 10, nagwagi ng Pamintalent o Best in Talent Award si Bench Tionao, base sa talent showdown sa week-long grand finals bago ang finale noong Sabado.
Nagsilbing hurado sa I Am PoGay grand finals ang host na si Jhong Hilario, Lani Misalucha, Richard Gomez, Dra. Vicki Belo, at Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa.
Inilunsad ang I Am PoGay noong Enero upang bigyang pagkakaÂtaon ang mga bakla na magpasikaÂtan matapos ang matagumpay na That’s My Tomboy pageant ng Kapamilya noontime show.
- Latest