MANILA, Philippines - Ngayong Martes, alamin ang mga dapat gawin para maging mas ligtas sa sports na kinahihiligan at maiwasan ang mga maling hakbang na puwedeng ikapahamak sa Alisto sa GMA 7.
Mahigit isang buwan pa lang nang maaksidente sa gym ang aktor at singer na si Lance Raymundo. Dalawang surgery ang kinailangang pagdaanan ni Lance para maibalik ang structure ng kanyang mukha na halos mawasak dahil sa bigat ng barbell na bumagsak sa kanya. Kumusta na siya matapos ang aksidente at ano ang kanyang natutunan mula rito?
Tampok din sa Alisto ang bagong paandar sa pagsasagawa ng modus. Imbes na motorsiklo, biÂsikleta na ang gamit na get-away vehicle ng mga kawatan. Tunghayan kung paano nila nagawang loÂoban ang isang tindahan kung saan hindi nila pinaÂlampas ang lalagyan ng barya maging ang cellphone ng mga tindera. Paano makaiwas na matangay ng kanilang pang-iisa?
Samantala, sa Bulacan, naging mitsa ng paÂngaÂnib ang ilang motorsiklo. Hindi lang basta salpukan ang naganap, isang babae rin ang naÂnganib ang buhay matapos makaladkad.
Alamin kung paano makakaiwas sa mga aksidente at disgrasya sa Alisto ngayong Martes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
Angelica at Carlo, balik-tambalan
Magkakasama muli ang dating reel at real-life sweethearts na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa heavy drama episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN sa Mayo 17 (Sabado).
Gaganap si Angelica bilang si Susan, isang maybahay na masasangkot sa bawal na pag-ibig kay Andres (gagampanan ni Carlo), ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa. Tampok rin sa episode na idinerek ni Nuel Naval sina Wowie de Guzman, Sharlene San Pedro, Mico Aytona, Louise Abuel, Tom Olivar, Madz Nicolas, Jillian Aguila, Allyson Mc Bride, Raine Salamante, at Laisa Comia.
Ito ay sa ilalim ng panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Juvien Galano.