Mayor Bistek namakyaw ng painting ni Heart!

PIK : Sabi ni Jennylyn Mercado, iba raw pala talaga kung wala kang love life, nakakapag-concentrate ka sa career mo.

Kaya hindi na raw siya mag-e-expect o maghanap ng ka-partner. Naniniwala siyang kung para sa ‘yo, darating ‘yan.

Kaya mas ini-enjoy niya ngayon ang magandang career lalo na’t sunud-sunod ang mga endorsement niya.

Kapipirma lang niya bilang bagong endorser ng Hip Culture apparel at bagay na bagay daw sa personality niya ang mga damit na ipinasusuot sa kanya.

PAK: Limang paintings daw ni Heart Evangelista ang nabili ni Mayor Herbert Bautista dahil hilig daw pala nito ang mangolekta ng paintings ng mga new artists. Pero hindi alam ni Heart na may binili si Mayor Herbert. Ang staff ng aktres ang nagsabi na ang QC Mayor ang bumili na maaaring pinabili sa ibang tao.

Nung nakaraang linggo lang binuksan ang exhibit ni Heart pero naubos na ang 19 paintings na gawa niya. Labing-pito ang nabenta, ang dalawa ay iniregalo niya.

BOOM : Si Raymart Santiago pala ang magsasampa ng annulment case sa kasal nila ni Claudine Barretto.

Kahit sinasabi ng aktres na peke ang kanilang kasal, ibinunyag na sa amin ng abugado ni Raymart na inaayos na nila ngayon ang mga papeles ng annulment case na ipa-file ng aktor.

Hindi rin tiyak si Raymart kung dadalo siya sa event ni Sabina na gaganapin sa Araneta Coliseum sa May 29.

Sinabi ng abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo; “Aattend siya (Raymart) kung para sa mga anak niya. Pero pinag-iisipan pa niya kung ano ang intensyon ni Claudine.

 â€œKasi ang daming private opportunites before na makita ni Raymart, hindi niya nakikita. Ngayon kung kailan sa Araneta saka siya imbitahin ‘di ba? iniisip ni Raymart kung bakit.”

 

Show comments