Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas mula nang ipalabas ang pelikulang Himala ni Nora Aunor. Ibinahagi ng Superstar na napanaginipan daw niya noon ang Mahal na Birhen bago gawin ang nasabing proyekto.
“Habang nagsi-siesta ako noon, nanaginip ako. Nagpakita si Mother Mary. Marami siyang sinabi, ang naaalala ko, sinabi niyang ipaalam sa lahat na huwag kalimutang magdasal, magrosaryo, lahat ng gusot ay malalampasan,†kwento ni Nora.
Pagkatapos daw nang dalawang linggo ay nakatanggap na ng alok ang aktres na gawin ang Himala. Kamakailan ay isang rebulto ni Elsa (karakter ni Nora sa Himala) ang itinayo sa Paoay, Ilocos Norte kung saan kinunan ang buong pelikula. Ito ay bilang pagkilala kay Ate Guy at sa kanyang mga kontribusyon sa industriya.
Nilikha ang rebulto ni Gerry Leonardo ng Philippine High School for the Arts. Ibinase ang nasabing rebulto sa isang eksena sa pelikula.
Dito rin sumikat ang linyang ‘Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala!’
Malaki ang pasasalamat ni Nora sa ginawang pagkilala sa kanya.
“Mapalad ako sa lahat ng artista. Ako lang ang binigyan ng ganyang klase. Mas malaki pa yata sa akin,†nakangiting pahayag ng Superstar.
Kathryn magpapahinga muna sa pag-aaral
Nakapag-voice lessons na raw si Kathryn Bernardo bilang paghahanda sa album na kanyang gagawin ngayong taon.
“Wala pa, aayusin pa nila ‘yung boses ko,†natatawang bungad ni Kathryn. “Magre-record pa at saka mamimili pa ng mga kanta. Gusto ko sana ‘yung masaya na madaling sabayan ng mga tao. Hindi pa nag-start mag-recording,†dagdag pa niya. Ngayon ay maraming pinapakinggang iba’t ibang kanta si Kathryn bilang parte na rin ng kanyang pag-aaral sa musika.
“Usually, mga medyo upbeat ako ngayon. ‘Yung mga kanta ng Zedd, kasi may app ako na nando’n na lahat. Usually ganyan or ‘pag gabi ‘yung mga chill na mga Michael Bublé, mga Jack Johnson, ‘yung mga playlist nila para relax lang,†kuwento ni Kathryn.
Samantala, mukhang hindi raw makapag-e-enroll ang dalaga para sa pasukan ngayong June.
“Dapat babalik ngayong June. Babalik ako pero hindi ko pa alam kasi meron daw movie pati ‘yung soap. Gusto ko bumalik kasi hinihintay ako ng iba kong classmate na i-take ‘yung subject na ‘yun pero tingnan natin sa schedule. Nagawa ko na siyang i-balance dati pero muntik na akong mamatay,†pabirong pahayag ni Kathryn.
“Ngayon kung may chance talaga, gagawin ko. Ipu-push ko ‘yan,†giit ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS